Monday, December 17, 2007

A Not So Different Christmas

You are the last person I really want to talk to. Sometime I beg to differ, but still you showed me that things didn't really changed. You are not on my wish list, not expecting a thing from you underneath the tree. Just don't stay up late by the phone, they must've spent a lot of money on that... Oh! All I want for Christmas is one awkward silence, before I bury myself alive.

Merry Christmas, i could care less.

Sunday, December 02, 2007

Buhay Buhay 2

malamig na pampaligong tubig sa umaga...
hindi plantsadong damit...
late sa pagdating sa meeting place...
masikip sa mrt...
pagregister para sa seminar...
kumain ng napakatigas na patatas...
nabagot...
nabagot...
at nabagot pa..
usok at upos ng sigarilyo...
pag-ihi dahil masakit na ang pantog...
mabangong sabon sa banyo...
usok at upos ng sigarilyo ulit..
walang traffic na byahe sa EDSA...
masayang kainan at lakaran sa mall...
panonood ng pelikula...
pagtingala sa pumuputok sa langit...
pag-inom ng malamig na kape...
paninigarilyo ng walang awat...
kwentuhan at tawanan...
pagmumura sa pinagtatawanan...
uminom ng beer...
at uminom pa...
kumain ng pulutan...
nangaway ng waiter...
inubos ang beer...
nagpaalam sa mga kaibigan...
umuwi na...

isang napakasayang araw na ubos pera...

photos are in my multiply site.
click here!

Wednesday, November 07, 2007

Pangaral, Parangal

Kasalanan mo parin kung bakit ang kahapon nandito parin. Iwas ka ng iwas, galit ka na sa kakulitan pero 'di mo parin ito pinapaalis. Sa Diyos ka umasa, sambit ka ng sambit ng kanyang ngalan. Iniisip mo ang katangahan ang kasagutan. Puro ka sisi, at puro hinala, pero alam mo sa sarili mo ang wala sa lugar. Pakiramdam mo tangan mo ang bigat at kasali ka sa gulo, pero sabit ka lang. Ang nakakapawis mo lang na ginagawa ay ang paghukay sa iyong libingan. Nawala na tingkad at kasiyahan.

At isa ka pa na pakiramdam mo ay alam mo ang lahat. Sa isang kamay hawak mo ay libro, sa kabila naman hawak mo ang leeg nila. Lumilipad ka gamit ang isang pares na pakpak, isang pang-anghel at isang sa demonyo. Hindi ka tumitingala o yumuyuko. Dahil nasa palapag ka na ng mga Diyos mo. Nakakalula ba sa inaapakan mong putikan na gawa mo rin? Nakakangawit ba tumingala sa itaas? Hinihintay ka lang Niyang tumingin sa Kaniya. Hindi ka na nabawi sa ginawa ng kagaguhan. Wala ka ng pakiramdam at pakialam.

Tumingin kayong dalawa sa salamin at malalaman nyo na nalulunod na kayo sa sarili ninyong dugo. Nababaliw. Nang-aaliw. Kayo ang payaso nila. Pinakupas lang ang nakalagay sa inyong mukha.

Thursday, October 11, 2007

Nasa Computer Shop

This summary is not available. Please click here to view the post.

Friday, August 10, 2007

Wala Lang

Natapos itong mai-type sa aking cellphone ng 12:49 AM, 08-10-2007

Napakahirap ipagtugma ng iniisip ng utak at nararamdaman ng puso. Ang tanong na yes o no para sa puso, dinadagdagan pa ng why sa huli ng utak. Simple, ginagawang kumplikado. Ang pag-ibig na alam kong dapat ibigay sa taong totoong mahal ko ay ibibigay ko sa taong alam kong susuklian ang pag-ibig ko. Dahil sa katotohanang hindi ako kayang mahalin ng taong totoo kong mahal. Ilalabas ko ang sarili ko sa lugar na yun sa butas na nahanap ko.

Pero sa huli, ang bagsak ko din ay sa isang mas magulo pang lugar. At hanggang hiling nalang ako na sana di na ako umalis sa katayuan kong iyon dati, na sana pinili ko nalang na ako ang masaktan kaysa makasakit pa ako ng iba. Sinagot ko nga ang yes pero kinontra ko rin yun nung tinanong na ako ng utak ko. Sana pinili ko nalang ang simple kaysa sa ginawa ko pang kumplikado ang lahat. Sa huli, talo parin ako.

Thursday, July 26, 2007

Absent Ngayon dahil Absent-minded

Masaya akong nagising ngayong araw na 'to, dahil isang araw na naman ito ng klase sa Unix.

Emil: Good morning sunshine! Good morning clouds! Good morning birds! Good moorrnniiing!!
Mama: Magmumog ka 'dun, ambaho ng hininga mo.

Nagimpake ako dahil ako ay pupunta na sa apartment namin. Tumae. Naligo. Nagayos. Kumain. Nagayos ulit. Nagweewee at lumarga na. Masaya rin ang byahe, kahit pinipigilan ko ang tawa ko dahil sa binabasa kong libro ni Bob Ong. Nanginginig na labi ko, pinipilit na 'wag matawa baka kasi lumayo yung katabi ko sakin.

Dumating na ko sa apartment. Pinalantsa ang mga dala kong uniform. Nagbibihis at biglang napamura. Ay butas ng pwet! Nakalimutan ko ang sapatos ko sa aking Hometown. Kung ano pa ang malaki laki, e 'yun pa ang nakalimutan ko. Nadala ko ang mp3 player, flash drive, brief, panyo, medyas at mga dvd, pero ang sapatos kong kaisa isa, hindi. Nagisip ako, kung manghihiram ako... ako ang pinakamaliit sa amin at proportional naman katawan ko, hindi pang clown ang paa ko, walang magkakasya na sapatos sakin sa mga kabarkada ko. Kung uuwi naman ako sa hometown at papasok sa iskul... hindi ako ganon kasipag, salamat nalang.

Nakita ko ang tv, dvd player, malambot na upuan, chicha at mga dvd na dala ko... Napagdesisyunan ko nang hindi ako papasok. Nanood nalang ako ng movies at eto sila.

Movie # 1: Evan Almighty
Maganda ang quality ng video, astig. Ang story... kung ano yung napanood ko na trailer, parang ganon na din yung buong pelikula. Pero nakakatawa ang movie, may moral story, at kung ano ang moral story, akin nalang yun.
Rating: 3 out of 5

Movie # 2: Fantastic Four: Rise of the Silver Surfer
Masaya ang pagkakatabingi ng videocam na pinangkuha habang pinapalabas ito sa sinehan. As in tabingi, yung tipong sulok nalang ng screen yung nakikita mo. Syempre di namana ako ganun ka-martir, proceed na ko sa next movie.
Rating: 0 out of 5

Movie # 3: Ratatouille
Bago para sakin yung concept ng movie, Iron Chef na daga. Ayun lang masasabi ko. Speechless na.
Rating: 4 out of 5

Movie # 4: Harry Potter and the Order of the Phoenix
Sa SM North na ko nanood, sa Cinema 7, 7:10 PM nagstart. Hmmm, dahil di ko naman nabasa yung libro, di ako ganung nadisappoint tulad ng mga nakabasa talaga nung libro. Nakornihan lang naman ako sa kissing scene ni Harry at... at... at... basta yung asian girl, akala ko kasi may "more part" pa eh. Anyway, korni din yung pagkamatay ni Siruis Black, mas gusto ko pa kung pano mamatay yung mga gang members sa mga action film ni Robin Padilla, na namamatay lang sa isang bala pero yung bida hindi tinatamaan ng bala.
Rating: 3 out of 5


Peace Out!

Sunday, July 22, 2007

Tambay

Sa isang araw na masarap ipangbuklod ang beer, sigarilyo at baon na kwentuhan, masarap makasama ang mga kaibigan. Nakakagaan ng pakiramdam ang mga oras na pwede mong sabihin ang problema mo, pakikinggan ka nila, at may isang magjo-joke tungkol dun at syempre sasabihin mo... "tangina mo!" sabay chop sa leeg niya, sabay malakas na tawanan. Pero hindi parin mawawala ang mga seryosong parte sa loob ng bilog ng mesa, mga payo at pagbibigay linaw sa magulong sudoku ng buhay.

Pagkatapos mabuga ang lahat ng usok, maubos ang pulutan, mainom ang lahat ng laman ng bote, magiging mas maayos kaysa sa dati ang mga bagay bagay, at masasabi mo sa huli na... "kaya ko 'to... kakayanin ko 'to...".

Rock on lang sa magulong moshpit ng concert ng buhay... Czarina at Lois. :o)

Peace Out!!

Wednesday, July 11, 2007

Buhay Buhay

Medyo magulo pa buhay ko ngayon, wala pang linaw ang mga sumusunod:

1. Thesis (Bukas namin malalaman)
2. Kwarto ko (Pinipinturahan pa, sa sofa ako matutulog ngayon)
3. Harry Potter ('Di ko pa alam kung kelan ako manonood)
4. Quiz sa Numerical Methods (Huling balita: Nasa emergency room daw ang prof namin)
5. Lablayf (Kanta nalang tayo ng "Makulay ang buhay sa sinabawang gulay!!")

Pero inpsite ng mga bagay na 'to, masaya parin dapat. Parang 'yung mga nakita ko sa daan nung nasa byahe ako. Una, sa jeep, "Full the string to stop. Hila mo, tigil ako". Parang yung SM Horizon lang na nakita namin sa bus nung papunta kaming Cavite. Anyway, eto pa ang iba, "Laundryvouz" isa itong laundry shop, pangalan palang, sosyalin na. Eto pa, "Ritchie Cuarda for Congressman", kung ako ang campaign manager nya, papalitan ko yun. Gagawin ko iyon na "Ritchie "da howsie" Cuadra for Congressman". Mas may dating di ba.

Samu't saring bagay pa ang nakita ko, gym na puno ng papang pawisin, rugby boys, yosi boys, ang tongits barkada, duguang lalaki (nasaksak ata, tapos pumapara siya ng dumadaang sasakyan, punta yatang ospital, hula ko lang ah) at iba pa. Eto pa napansin ko nun, ang magaling na driver ay consistent na nasa right lane, tumitigil kahit 'di naman pinapara. Kung seswertehin ka ba naman, uwing uwi ka na, ganito pa. Gusto ko na ngang kumanta nun ng "to the left, to the left (2x) please manong driver drive to the left".

~o~o~o~o~o~


Sa problemadong buhay, 'di naman dapat laging mabilis ang pagbigay ng solusyon. Unti-unti lang, parang 'pag gagawin mong sorted ang buhay mo ay gamitan mo ng bubble sort, matagal ang execution, pero dapat sa bawat passes nito sa buhay mo ay may matutunan ka. O kaya, gamitan mo ng Taylor's Series, habang naso-solve mo ang values ng mga terms ay lumiliit ang absolute error mo, kahit pano ay malapit ka na sa true value ng buhay mo.

Mukhang mahaba ang nagawang source code ni Lord para sa buhay ko at natatagalan ang pagcompile nito. Hanggang ngayong wala paring linaw, 'di parin alam kung may undeclared variable o missing na semi-colon. At kung wala ngang error, at nai-run na ang program ko, 'di pa sure kung wala itong logical error at hindi magi-infinite loop. Alam kong sa huli, ako parin ang programmer at gagawa ng testing at debugging sa buhay ko.

~o~o~o~o~o~


Nang bababa na ako, binasa ko ulit ang nakasulat, "Full the String..."

hmm...

Full?? ...

hmm...

"Ma! para ho! *pitik sa bubong ng jeep*"


Peace Out!

Sunday, July 08, 2007

Uwian

Tanaw na kita sa paglabas mo sa college building at papunta ka na dito. Ang ganda mo talaga, lalo na 'pag tumatawa ka kasama ang barkada mo. Teka, salubungin na kaya kita, mukhang mabigat ang mga dala mong libro. Hintayin nalang kitang makarating dito, pagmamasdan muna kita.

Malapit ka na... sampung hakbang... Nasa tabi na kita...

At nasa tabi ka na ng boyfriend mo...

Aalis na ko, ingat ka, mag-enjoy ka sana kasama niya. Tara pare, yosi tayo sa labas ng campus, ibuga mo nalang kasama ng usok yang nararamdaman mo para sa kanya.

Monday, June 25, 2007

Lagpas alas dose na, hindi na maganda si Cinderella

Lutang, absent minded, bad trip, malungkot, putang ina! gusto kong makipagsuntukan. Para akong pinagtripan ng isang daang tambay sa kanto, para akong binasted ng isang daang babae, para akong pinakaen pinaang longganisa at parang pinagduldulan yung mukha ko sa kili-kili ng babaeng may putok (turn off..syet), basta ayoko ng ganitong feeling. Ang masaklap pa hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

Dinadaan nalang sa pagyoyosi, paginom sa bote ng beer sa tabi ko ngayon, pakikinig sa ingay ng cpu fan ko at 'moo' ng mga bullfrog sa labas, pagtingala sabay sungkit ng kulangot tapos pitik! sapol!

Hindi sadyang napupunan ng mga bagay na 'to kapag magisa ako ang mga kakulangan ko sa buhay. Kakulangan ng self-esteem, kakulangan ng confidence, kakulangan ng height, at ang pinakabago, kakulangan ng thesis topic.

Dahil nga ba sa mga pagkukulang na 'to o hindi ko lang kasi nagagawan ng paraan. Aba malay ko, hindi ko nga alam kung bakit... kahit ano nalang. Mare-realize ko din kung ano ba dapat at kung ano ba talaga, sa ngayon, ako muna ay lutang, absent minded, bad trip at malungkot. Itutulog ko lang naman 'to, wala na 'to bukas.

"What are the telephone companies here in the Philippines?? ...Most of them are telephone companies."
-Amazing "A"


...Hiwaga at talinhaga pinagsama, amazeng! Recursive 'yung statement, paki-intindi nalang daw klasmeyts.

Peace Out!

Monday, June 18, 2007

Payrworks

The sky went black
Clouds split in two
Fire sparks in between
Then heaven surrounds you
Staring to the unlikely stars
My fascinations begin
Secretly growing deeper
Breaking the rules of Sin
Only to whisper my thoughts
Staring to the shaded moon
My confusions begin
Darkness stills my shadow
Leaving my only kin
Only to be blinded by light
Secret invitations
Leading to your heart
My lasting daze begins
Wishing it will never end

Sunday, June 03, 2007

Kantahan Tayo

Say You Love Me
Patti Austin

Don't you know that I want to be more than just your friend
Holdin' hands is fine, but I've got better things on my mind
You know it could happen if you'd only see me in a different light
Maybe when we finally get together, you will see that I was right

Say you love me
You know that it could be nice
If you'd only say you love me
Don't treat me like I was ice, ooh, woo, woo

Please love me
I'll be yours and you'll be mine
If you'd only say you love me, baby
Things would really work out fine

Don't you know that I want to be more than just your friend
Holdin' hands is fine, but I've got better things on my mind
You know it could happen if you'd only see me in a different light
Maybe when we finally get together, you will see that I was right

Say you love me
You know that it could be nice
If you'd only say you love me
Don't treat me like I was ice, ooh, woo, woo

Please love me
I'll be yours and you'll be mine
If you'd only say you love me, darlin'
Things would really work out fine

Would you say you love me
You know that it could be nice
If you'd only say you love me
Don't treat me like I was ice, ooh, woo, woo

Please love me
I'll be yours and you'll be mine
If you'd only say you love me, baby
Things would really work out fine

If you'd only say you love me, darlin'
Things would really work out fine
If you'd only say you love me, darlin'
Things would really work out fine

Sunday, May 06, 2007

To: Anonymous

I always smile
So I can hide the pain
I turn up the
volume of my brain
So I will not hear
what my heart says
I always laugh
So I will not notice
that I'm crying inside
I always lie to you
So I can keep to
myself what is true
That I love you
Inspite of every
existing thoughts
Of every single story
I've heard
Inspite of every
existing reasons
I'll say goodbye to
the feelings i have for you
Like nothing happened
I'll let everything
be back to normal
I will be ok, I guess
Just have to reformat
my brain and my heart
No need for backups
Just a fresh, new start

Friday, May 04, 2007

Roselle Nava for Councilor of ParaƱaque

Bakit Nga Ba Mahal Kita
Roselle Nava

Kapag ako ay nagmahal
Isa lamang at wala nang iba pa
Iaalay buong buhay
Lumigaya ka lang, lahat ay gagawin

Tumingin ka man sa iba
Magwawalang-kibo na lang itong puso ko
Walang sumbat na maririnig
Patak ng luha ko ang iniwang saksi

CHORUS
Bakit nga ba mahal kita
Kahit 'di pinapansin ang damdamin ko
'Di mo man ako mahal, ito pa rin ako
Nagmamahal nang tapat sa 'yo

Bakit nga ba mahal kita
Kahit na may mahal ka mang iba
Ba't baliw na baliw ako sa 'yo
Hanggang kailan ako magtitiis
O, bakit nga ba mahal kita

Ano man ang sabihin nila
Pagtingin ko sa 'yo'y 'di kailan man magmamaliw
Buong buhay paglilingkuran kita
'Di naghahangad ng ano mang kapalit

[Repeat 2nd Stanza]
[Repeat CHORUS twice]

CODA

O, bakit nga ba mahal kita (o di ba may Coda pa!)

Tanong: Sino ang nagtambal sa pelikula na theme song ang kantang ito?
A.) Kris Aquino at Philip Salvador
B.) Vilma Santos at Bobot Mortiz
C.) Sam Milby at Piolo Pascual
D.) Rico Yan at Claudine Baretto

Itext na ang inyong mga sagot sa 111 for Smart and Talk n Text users at 222 naman for Globe and Addict sa Mobile users. Text na!!

Sunday, April 29, 2007

Bago matulog...

Kinuha ko lang galing sa mga nagpost sa tag board ko:

"Mas maingay talaga ang mga salitang hindi masabi..."

"...Sana sa sobrang ingay, marinig na niya"

Mga matalinhagang salita na nabasa ko bago ako matulog. Natanong ko lang sarili ko, posible kayang naririnig(nararamdaman) na niya pero di lang niya pinapansin o pilit na 'di pinakikinggan dahil sa kanya kanyang kadahilanan. Ah ewan ko, minsan sa sobrang layo ng katayuan namin, imposible nang magtagpo pa kami sa iisang lugar. Parang ako ang Milky Way, siya ang Andromeda na kahit kailan 'di pwedeng matagpuan sa isang space zone. "Impossible is nothing" ika nga ng Adidas, "Impossible is zero" ika nga ni Gilbert Arenas, pero andyan parin ang mga salitang "not meant for you" at "pangit ka, 'di ka pwedeng maging bida sa telenobela". Aasa na nga lang ako sa tadhana, hihintaying marinig ang "It's my destiny" ika nga ni Hiro Nakamura. Ah ewan ko ulit, matutulog na nga lang ako. Hahaha! Madramang gabi sa inyong lahat!!


Peace Out!

Salamin

Ano naman napala mo ngayon? As usual, wala no? Sinasabi ko na sa'yo dati pa na magseryoso ka naman paminsan minsan. Lagi ka nalang kasing ganyan eh kaya walang nangyayari sa inyo.

Dinadaan mo lang sa biro lahat ng gusto mong sabihin. Puro ka joke, joke 'pag naglalakad, joke 'pag kumakain, joke pauwi, joke lang lagi. Isa kang malaking joke kung alam mo lang. Para kang artistang 'di naman dapat maging artista, banda na sikat na hindi naman magaling, mga tao sa big brother house, mga politikong magaling lang 'pag nangangampanya. Lahat sila joke sa lipunan, kasama ka na sa kanila ngayon.

Ano ba gusto mong iparating sa kanya sa mga ginagawa mo? Inuunahan mo na siyang wala lang 'yun. Dahilan doon, dahilan dito. Palusot doon, palusot dito. Siguro try mong baligtarin ang suot mo, tapos ibitin mo sarili mo ng patiwarik, baka dahil 'dun masabi mo na kung ano ba talaga nararamdaman mo, hindi ung mga antonym 'nun. 'Wag ka ng sinungaling pare ko, masama 'yan. Dinagdagan mo lang ng insulto ang katauhan ni katorpehan.

Oo, gusto mo siyang maging masaya 'pag magkasama kayo pero dadating ang panahon na aaminin mo din na mahal mo siya. At dahil nasanay siyang mapagbiro ka, hindi seryoso at makulit, sa tingin mo maniniwala siya sa sasabihin mo. Makukuha ka kaya niyang seryosohin.....

Bahala ka na, kung ano man maging ending, kung maging comedy o tragedy 'yun, magkatuluyan man o hindi ang mag-love team, hindi ka naman mamamatay eh. Alam nating nabubuhay lagi ang bida hanggang matapos ang telenobela. Habang may buhay. may pag-asa ika nga.

Saturday, April 14, 2007

Mga Kailangan at Gusto, Needs and Wants ika nga...

Eto na ulit ako mga kaibigan, kung may nagbasa nga ba ng blog ko. Ang kwento natin sa madaling araw na 'to ay... bahala na, kung ano nalang matype.

Noong tuesday ng gabi hanggang wednesday ng madaling araw nag-inuman kame ng mga kaklase ko, gran matador on the rocks! Pati pulutan on the rocks na din. Kwentuhan, sayawan, yosi, kwentuhan ulit, tawanan, pag-gago sa isa naming kaklase at kwentuhan na naman, lahat on the rocks na. Sa isang pag-inom ko ng streyt sa isang baso ng ice-cold beer, sinabi ko na para sa girlfriends ng tatlo kong kaklase, sa boyfriend nung isa at isang soon-to-be-bf yata ng isa, para sa minamahal ng ginagago naming kaklase at para kay *toot*, damn, masarap ang beer at nag-wish na sana maging masaya at maayos ang lahat. Naisip ko, kailangan ko na nga ba ng lablayf... hindi pa, gusto ko ba... kung gusto niya. Tangna, madrama.

Kinahapunan ng wednesday, pumunta ako sa bahay ng kaklase ko at inabutan ko silang nanonood ng Grey's Anatomy season 3. Eh di syempre, nanood din ako, walang nagsasalita at walang nagtatanong kahit puno na ng tanong utak ko... "ha? sino ba yan? so sino ang kontrabida jan?". Oo, ako na walang sense at walang alam. After ng isang episode, bumili kame ng isaw, tenga, balunbalunan at barbecue. Bumili din kame ng halo-halo, on the rocks parin. After kumaen, nanood ulit kame, 4 o 5 episodes ata 'yung pinanood namin. At after mapanood ang magandang season 3 ng Grey's Anatomy, narealize ko na, kailangan ko na ng dvd player! Napag-iiwanan na ako ng technology.

Kaninang umaga, nagkaroon kame ng general orientation sa SPi para sa mga natanggap na applicants. Masaya naman, kahit inantok. Ayos din kasi may isang lalaki dun, 'pag tinabihan ko, feeling ko ako si Yao Ming. Minsan lang 'yun, at naging masaya ako sa moment na nag-krus ang landas namin, sa loob ng 3 segundo, naging matangkad ako. Anyway, tama na ang pang-aasar at baka makarma ako, kailangan kong magpakabait at magpakatino para maging maayos ang internship ko sa company na 'yun.

Pauwi na ko kanina at nakasabay ko sa van pauwi ang valedictorian ng lower batch sakin, 2 years younger sakin. Nung pa-exit na kame sa tollgate, in-approach niya ako kung pwede ba siyang makitext kasi na-low bat na siya at kailangan niyang i-text ang mommy niya, magkikita daw sila sa SM Marilao. Ganito ang pagkakasabi niya, "KUYA Emil..." Wow! Matanda na nga ako, gusto ko sanang sabihin na Emil nalang, kaso magalang siya eh, hindi na ko dapat kumontra dun. Ganun nalang inisip ko, ginagalang niya lang ako, pero kasi nga matanda ako sa kanya. Syet. Ang ginawa ko nalang ay pinatagos sa kabilang tenga ko ung word na KUYA, lumabas sa may bintana at nahagip ng truck na nakasalubong ng van. Kaya 'pag kakausapin niya ako, ganito nalang 'yung naririnig ko, "*toot---woooshh* Emil....", ayos na, masaya na ko 'dun.

Basta tumatanda na nga tayo, madami ng nangyayari na nangangailangan ng mas mature na decision at mas wais na diskarte. Kailangang ko nang magsumikap kung gusto kong maging maayos buhay ko at yumaman, kasing yaman ni Tito Donald Trump.


Peace Out!

Sunday, April 08, 2007

Selfone

Ngayong gabi madilim dito, walang ilaw, brownout sa aking mundo... Nakahiga ako ngayon sa kama ko, tanging tunog lang ng electric fan ang naririnig, madilim, ilaw lang ng cellphone ang magpapaliwanag ngayon sa kwarto ko, 'yun ay kung magtetext ka. Umaasa, nag-iisip kung mayroon pa ba akong pwedeng gawin kundi maghintay.

Dahil katulad mo, ako rin ay nagbago, 'di na tayo tulad ng dati, kay bilis ng sandali... Wala akong balak noon na pumasok sa buhay mo, maging ka-close ka at maging kabarkada. Oo, kakilala nga kita pero 'di kita kakausapin hanggang 'di mo din ako kakausapin, vice-versa. Marami rin akong kwentong narinig galing sa kaibigan mo tungkol sa'yo at hindi magaganda 'yun at wala akong pakialam doon, 'di naman kasi kita ka-close. Pero ang baduy nga naman ng tadhana paminsan-minsan, dahil sa isang quote sa text nagbago lahat. Nagreply siya, gumawa siya ng isang argument at ako namang ma-pride din, sinagot ko ung argument na 'yun. One argument after the other, hanggang sa magka-biruan at magka-gaguhan kami. Masaya ang usapang 'yun na sinundan pa ng ibang usapan sa text at sa telepono. In short, naging close kami, sobrang close friends.

Minsan tayo'y naiwan, walang ibang kasama ngunit nang ikaw ay kaharap ko na, 'di ko masabing mahal kita... Naging madalas ang pagpunta natin ng mall, pagtambay sa bahay, pagkanta sa videoke, paglaro sa arcade at pagkain ng magkasama. Lahat ng iyon naging masaya tayo, hanggang sa paguwi nating dalawa, wala tayong ginawa kundi magkwentuhan at magbiruan. Hanggang umiral na naman ang kabaduyan ng tadhana, narealize ko nalang na mahal na pala kita at umaasang ganoon din nararamdaman mo sa akin. Pero isang gabi na pauwi na tayong dalawa, nakatingin ako sa'yo pero nakatingin ka sa isang lalaki. Parang nakita ko na ang ganung klase ng tingin... aha! ganyan ang mga klase ng tingin ko sa'yo. Talo na ko, ano ba laban ko sa isang gwapo, matangkad at mukhang mayaman na tulad niya. Ang pinanghahawakan ko lang ay ang nararamdaman ko para sa'yo, at hindi ko alam kung sapat na ba iyon para sa preferences mo. Buong biyahe natin pauwi di ako nagsasalita, tinatanong mo ako kung bakit ako ganyan, naninibago ka sakin. Ito na siguro ung pagkakataon para sabihin kung ano ba talaga nararamdaman ko para sa'yo, pero mas pinili ko pang sabihin na ewan ko, na matutulog nalang ako kasi wala akong tulog kakagawa ng projects. Nanahimik ka nalang. Ganun din ako. Mas maayos pa nga siguro kung manahimik nalang ako kesa magpaliwanag pa ko.

Ngayong gabi madilim dito, walang ilaw, brownout sa aking mundo. Sa init naiinip, sa dilim nangangapa, naalala tuloy kita... Umaasa, nag-iisip kung mayroon pa ba akong pwedeng gawin kundi maghintay, maghintay ng pagkakataon kung kelan hindi na dadagain ang dibdib ko, maghintay sa isang pagkakataon na hindi na dadating, talo na ko. Tumunog ang cellphone ko, kasabay ng pagtilaok ng manok. Umaga na pala at nagtext ka.

"good morning...ano na namang kadramahan ung kagabi ha? hehehe...sabay tayo umuwi mamya ah..ha? ha? ha?"

"wala lang yun...sinumpong lang...meron ako eh...sige sabay tayo mmya sunduin kita..=p"


Maya-maya lang ay may ilaw na, pero sana ay malaman mo. Magka ilaw man madilim pa rin, magka ilaw man madilim pa rin kung wala ka...
"Sige sabay tayo mamaya..." sinabi ko na naman 'yun, isang araw na namang lulong sa panaginip. Lubog sa lupa, halik sa hangin. Hindi ko na alam kung ano na ang mga susunod pang mangyayari. Malabo parin, nagmamakaawa na 'wag umiral ang kabaduyan ng tadhana.


Paalala: Pasensya na Parokya ni Edgar at Sugarfree, ginamit ko lyrics ng kanta ninyo. Maraming Salamat! Suportahan ang musikang Pilipino!!

Ang naturang gawa ay kathang isip lamang, kahit anong pangyayari na nasulat na may pagkakahawig sa totoong buhay ng isang tao ay hindi sinasadya. Kung ayaw ninyong maniwala, eh 'di 'wag! hmfnez! =>



Peace Out!

Thursday, April 05, 2007

Bumalik sa Pagkabata...

Astig 'tong kantang 'to, nadownload ko sa LimeWire ung mp3, brings back the memories ng kapanahunan nila Shaider, Machine Man, Voltes V at Bioman. Tumatanda na nga tayo, kaya kanta na!!

Paki-play muna ang kanta at tska ninyo sabayan ng kanta gamit ang lyrics sa ibaba.



Maskman Opening Theme

Hikari Sentai Maskman!

I.
Humanda na kayo
Kampon ng kadiliman
Oras na ng pagtotoos
Kasamaaan niyo’y dapat matapos

Narito na sila
Bayaning tagapangtanggol
Sa masama’y lilipol

Chorus:
Maskman
Kayo lang ang pagasa
Iligtas kami sa marahas na kadiliman
Kami’y inyong ipaglaban

Sigi!(2x) laban Maskman
Ipagtangggol ang kapayapaan
Sugud!(2x) laban Maskman
Ipagsanggalang ninyo ang katarungan

Buong mundo’y magpupuri’t magpupugay mabuhay
Laser Squadron Mas…ku…man!!

(Isang Malupit na Instrumental...Yeah!)

(Repeat I)
(Repeat Chorus 2x)

Tuesday, April 03, 2007

Sa Mata ng isang Tanga

Isang malaking cliche sa mundo ang pagiging torpe, ika nga nung isang kowt na natanggap ko kanina..."wala sigurong taong matatawag na manhid kung lahat tayo kayang aminin ang totoong nararamdaman natin". May point siya dun, natatakot sabihin, natatakot umamin dahil sa mga naiisip na consequences kaya nagpapakamanhid nalang at nagpapakatanga nalang.

Isa sa mga strengths ko ay ang magpakatanga. Ang galing galing ko dyan, promise! Paturo kayo kung gusto nyo ha. Putang inang yan. Gawin nating example ay ang pagibig, sa pagibig gagawin mo lahat para mapasaya ang taong gusto mo pero hindi niya alam kasi nga torpe ka. Gagastos ka, gugulin mo oras mo sa kanya, magno-novena ka, magpu-prusisyon ka, at higit sa lahat magpapapako ka sa krus para lang sa kagustuhan mong mapansin at magustuhan ka niya, in short "martir" ka na. Kung sino ang hindi pa nagpaka-martir, swerte kayo, kung sino ung nagpaka-martir na taas ang mga kamay! Ako muna magiging representative nyo kung ok lang.

Naranasan ko na ang bagay na yun, ang sakit, ouchnez ika nga. Lalo na pag sasabihin sayo, may gusto siyang tao...*pagasa! pagasa! baka ako yun*... at hindi ikaw. Kamalas-malasan din minsan pagdating sa love life. Pero sabi nga nila, "you deserve someone better...", magtiwala ka nalang dun at magkakaroon ka na ulit ng pagasa siguro.

Kung nahahalata mo naman na hindi worth it ang ginagawa mo at magiging mas productive pa ang buhay mo kung sa ibang bagay, e di itigil mo na ang kagaguhang iyon at get a life. Masakit pero ganun talaga eh, part of growing up ika nga ulit. Wag ka lang bibitaw ng kapit, general rule of thumb yan, ayos di ba.

Napapansin ko madadrama ang mga huling post ko dito sa blog ko. Eto na ata ung withdrawal syndrome ko pag hindi na ko nakakapag-panigarilyo. Naghahanap na din katawan ko ng alcohol na maiinom, mga kaklase! inuman na tayo! please!!


Peace Out!

Monday, April 02, 2007

SPI na nga ba...

Nag-iisip ako 'nun na ang tatlong letra na magpapabago ng buhay ko ay O-J-T. Hindi pa kasi ako sigurado kung saang company makakakuha ng OJT, samu't saring kompanya na ang pinasahan ko ng resume, mapa-job fair sa UST, mapa-online submission o walk-in sa bawat building sa Makati. Ngunit ngayong araw na 'to, nabago ng panibagong tatlong letra hinaharap ng buhay ko, 'di pa sure pero sana nga eto na..eto na..eto na...waaahhh!! S-P-I.

Nakapasok na ang dalawa kong friends sa SPI, sa MIS sila na-assign, matapos ang dalawang madugo-dugong interview. Bukas ko malalaman kung pasok ba kame nung isa kong friend dun, either daw sa Networking o Systems kame ilalagay. Isang session nalang ng interviews at malalaman ko na ang kapalaran ko ngayong summer. "Walang iwanan 'to, sama-sama kaming apat dun", ito ung sinasabi ko sa sarili ko. Kaya natin to kaibigang James! Hawak kamay! Hawak Bewang! --Ayvan.

Hanggang sa muli, wish us luck mga kaibigan! Matutulog na ko para makapag-pahinga na ang aking katawan.


Peace Out!

Saturday, March 31, 2007

Istorya ng Kaibigan

Dear Mr. Love,

I haven't written here what I always wanted to write. Something about her, something about my feelings for her. I'm afraid that our course of friendship will change if I will write something about her here in my blog. Because I know that she will notice it that the girl I'm pertaining to is herself. You would ask, why would I write something that is "obviously" about her and why here in my blog. I don't know, all I know is I want to write every single thing about you, what you do and what you said... literally, and I want the whole world to know my feelings for her excluding herself. Anyway, I still don't have the guts to write it.

Yours truly,

Christorpe


...typical na istorya hindi ba, pero bakit kapag ikaw na ang nasa katayuan niya ang hirap gawan ng solusyon. Some people are born to be torpe ika nga.


Peace Out!

Wednesday, March 28, 2007

Muni-Muni

What is a promise? Why would you say such thing and at the end, you're not going to do it? Will you get sued for breaking a promise?

What happens when a promise is fulfilled? A certain thing is developed...trust. You trust that person that you can have his word, that he will not let you down. What if he broke that promise? Do you still hope that some miracle will happen, that things will still change.

Get a hold of yourself, pick up what has been shattered and put it together. You can't run away from your thoughts, because you own it. You will still ask questions like, what if he....what if it...what if she...what if I...You experience a feeling of uncertainty, a feeling of...

Mommy: Waward!! Telepono!!

Ako: Nasa banyo po ako!!

Mommy: Tawag ka nalang ulit iho, tumatae si Emil eh



Peace Out!

Sunday, March 18, 2007

Kung Ano Nalang Meron...[1]

Mommy at Daddy ko naguusap habang kame ay kumakain:

Daddy: Bakit ang dami mong reklamo sa bahay natin, nagtrabaho ako para maitayo at magawa 'tong bahay natin.
Mommy: Di naman ikaw gumawa ng bahay eh.
Daddy: ???
Mommy: Karpintero gumawa nito.
Ako: <*applause*> Good point, good point.

Minsan, inspite ng madaming ginagawa, pressure sa mga subject kung papasa, di pwedeng hindi ka mang-gago, mag-joke tska mang-trip ng kaklase tska kaibigan. "Tatawa nalang ako", linya na namin yan 'pag ang daming nagiging last minute epal sa mga projects, e.g. papunta ka na ng iskul, tapos malalaman mo na nagloloko ung program para sa system mo na i-dedefend mo ng 7pm, buti nalang na-test namin sa laptop bago umalis ung fx.

Sa mga panahon na ganito, yung malapit na yung final examination....hmmm <*napa-isip*> yurika! bukas na pala ung start ng exam, di pa ko nagaaral!

Ehem! Ehem! Tulad nga ng sinasabi ko, sa mga panahon na 'to, kelangang kelangan ung mag-aral ng mabuti!! kelangang maabot ang dapat maabot!! maatim ang dapat maatim!! mahagilap ang dapat mahagilap!! maarok ang dapat maarok!! "manguha ang napat manguha!!" Hay, 'di ko na na-explain ung point ko, next time na nga lang.

May nabasa akong kowt, "kung may isang kulang ngayong college sa buhay ko, 'di ung matataas na grades, 'di din ung love life, kundi, next line, next line, next line, next line, next line... TULOG". Sa sobrang pagka-antig ng puso ko sa kowt na 'yun, napa-utot ako. Pero totoo 'yun, sa sobrang pressure na dapat mo matapos ung project mo, kahit isang minuto ang masayang, paghihinayangan mo. Kaya 'yung mga tulog namin ay matatawag mong tulog nalang. Pero ang dami kong natutunan 'nun, natuto akong magsipag lalo, mag-focus sa mga dapat gawin. Natutunan ko din na kahit 2am tumitalaok din ung manok, masyadong advance ung rolex nung manok na 'yun.

Hmmm... May nakakalimutan yata ako...

Hmmm...

'Di pa pala ako nagaaral, type ako ng type dito baka bukas wala akong ma-type sa test paper ko, pangalan ko lang tska section. Minsan nga naiisip ko nalang, lagyan ko kaya ng "100" ung linya para sa score mo sa test. Ano kaya gagawin ng prof ko? Ay ewan, magaaral na ng ako.


Peace Out!

[1]"Kung Ano Nalang Meron" - un kasi ung sinabi ko sa nanay ko nung tinanong niya ko kung ano gusto kong ulam para sa tanghalian. Koneksyon sa post ko?? Syempre... wala.

Saturday, March 10, 2007

Kamusta naman...

I'm listening now to my metallica mp3s. I miss the guitar riffs and guitar solo of Pareng Kirk, the drumlines of Ninong Lars, the voice of Tito James Hetfield and the basslines and riffs of Tol Jason Newsted, now, the bassist of the band Supernova.

Kamusta naman yun...Gusto kong sabayan ng pagtugtog ng bass ung mga kanta nila, kaso sira amp ko. Pakshet, putol string nung gitara ko, alangan naman na sabayan ko sa kahon to, (hmmm.. sige, try ko mamya). Hindi ko na naaasikaso ung mga instruments ko, di na rin ako nakakapagpractice sa sobrang dami na ginawa. Ganun nga siguro pag tumatanda ka na.

Dahil katatapos lang kameng gisahin nung defense namin, at mapasa ung project sa Compiler Design, at inurong ung pasahan ng program assignments sa Java, relax lang muna ako ngayon and I do deserve it!!

I browsed thru my friendster account, ewan ko kung bakit napapadalas pagpunta ko sa site na yun, pagkakita ko ng 'friends page', wala ng sense. In the first place kasi, wala namang sense para sakin ung friendster. Mahilig lang talaga ako tumingin ng pictures kaya siguro ganun. Ayoko nalang magreklamo at baka makasakit ako ng damdamin ng isang die-hard fan (o dependent) ng friendster. Sad but true.

Pati tong post ko na 'to walang sense, uso ata ngayon. => 'til we meet again!!

Peace Out!

Sunday, February 18, 2007

Ang Pinagmulan ng Saging ni Mark Lapid

Hands down ako sa movie at sa nag-narrate...very heartfelt...

eewww.. ay este aawww... =>

Want Coffee?

Coffee para sa mga taong di matutulog. Coffee para sa mga taong kagigising lang. Coffee para sa mga taong may hangover kinabukasan ng inuman. Coffee para sa mga taong walang magawa. Coffee para sa mga taong gustong tumambay at magkwentuhan.

Balik ako ngayon sa paggawa ng project namin. Hindi na naman ako matutulog kasi konti nalang ung oras, 'di ko mamamalayan pasahan na. Motto nga sa buhay, Time is Gold. Ang daming pang kulang, ang dami pang dapat gawin. Kung pwede naman na hindi na matulog, wala na munang tulugan 'to.

Sobrang nag-relax ako last week, kasi nga walang klase tska walang ginagawa. Pero di ko nahanap nun yung time para gawin ung mga project. Napagisip-isip, eto nalang ung time para makapag-relax. Kaya tinodo ko yung pagtulog, late ako sa usapan kasi nga masarap matulog. Sakit tuloy ng ulo ko pagkagising.

Hindi lang relax ginawa ko nun, pati pag-inom. Red Horse, San Mig Light tska Colt 45, lahat nainom ko last week. Ewan ko bakit uminom ako nun.

Syempre, hindi pwedeng, hindi kami magliwaliw. Pumunta kaming Baywalk, nagkuhanan ng picture, naglakad hanggang CCP,nag-taxi hanggang Mall of Asia, kumain sa Pupung en Friends, nagkwentuhan, nagkuhanan ng picture, tapos nagkape at tumambay hanggang 10pm.

Masaya ako sa mga nangyari last week, alam kong masaya din sila inspite ng mga problema namin. Alam kong mauulit 'yun, matapos lang lahat ng dapat gawin.

....Ang sarap langhapin ng aroma ng coffee na 'to, at may richer taste... Kamukha ko si Piolo!!


Peace Out!

Friday, February 16, 2007

Goner...

Every little thing that had happened since the 1st day of February became a part of my sad song. For verse 1 and 2, it includes the start of our fights, what are the things she said and what I said to her. For the refrain, it states our own reasons and explanations. For the chorus, it's all about the thing we must do, "move on".

The bridge has the things that happened last night and this will be followed by the longest instrumental anybody can experience. As my song progresses, little by little, I will not feel her presence anymore. Numb.

....But I will do treasure all the memories left behind, all the lessons learned will be a part of my life. 'til then pain, hatred and mourne!! I'll be on my own now. Thanks for all the memories.

Wednesday, February 14, 2007

A Blog Entry...

I've felt the madness that February 14th can bring, traffic (specifically in Dimasalang), people and couples "swarm" in different places, and a solitary feeling that only several bottles of beer and sticks of cigarette can mend. I'm not saying these things as a sign that I will hate Valentine's Day since me and my girlfriend broke up.

Some things can only be understood and explained by the person that experienced or felt that thing. My friends told me that I'm "bitter", and I need to move on so I will not complain, I will not be dramatic over songs of the broken hearted and other related stuffs. To be honest, I still haven't moved on, memories of us sneak in my mind, telling me that I must be sorry, reminding me of the pain, letting me realize that she's gone. I have to fight those demons in my head, I know that our relationship won't work, for now I guess.

I must intoxicate muyself, I need to hit the bed hard as I fall to sleep, so I will be to dreamland fast, without having those "demons" in my head before I fell asleep. Have to sleep, I know tomorrow will be different, another ordinary day that me and myself will share. I have no responsibilities of a relationship, only reponsibilities for myself. I will not worry about other person, just have to worry about myself. I will not have to think for another person, just have to think for myself. Those statements support my famous, three-word statement.. "I Love Myself".


Peace Out!