Sunday, April 08, 2007

Selfone

Ngayong gabi madilim dito, walang ilaw, brownout sa aking mundo... Nakahiga ako ngayon sa kama ko, tanging tunog lang ng electric fan ang naririnig, madilim, ilaw lang ng cellphone ang magpapaliwanag ngayon sa kwarto ko, 'yun ay kung magtetext ka. Umaasa, nag-iisip kung mayroon pa ba akong pwedeng gawin kundi maghintay.

Dahil katulad mo, ako rin ay nagbago, 'di na tayo tulad ng dati, kay bilis ng sandali... Wala akong balak noon na pumasok sa buhay mo, maging ka-close ka at maging kabarkada. Oo, kakilala nga kita pero 'di kita kakausapin hanggang 'di mo din ako kakausapin, vice-versa. Marami rin akong kwentong narinig galing sa kaibigan mo tungkol sa'yo at hindi magaganda 'yun at wala akong pakialam doon, 'di naman kasi kita ka-close. Pero ang baduy nga naman ng tadhana paminsan-minsan, dahil sa isang quote sa text nagbago lahat. Nagreply siya, gumawa siya ng isang argument at ako namang ma-pride din, sinagot ko ung argument na 'yun. One argument after the other, hanggang sa magka-biruan at magka-gaguhan kami. Masaya ang usapang 'yun na sinundan pa ng ibang usapan sa text at sa telepono. In short, naging close kami, sobrang close friends.

Minsan tayo'y naiwan, walang ibang kasama ngunit nang ikaw ay kaharap ko na, 'di ko masabing mahal kita... Naging madalas ang pagpunta natin ng mall, pagtambay sa bahay, pagkanta sa videoke, paglaro sa arcade at pagkain ng magkasama. Lahat ng iyon naging masaya tayo, hanggang sa paguwi nating dalawa, wala tayong ginawa kundi magkwentuhan at magbiruan. Hanggang umiral na naman ang kabaduyan ng tadhana, narealize ko nalang na mahal na pala kita at umaasang ganoon din nararamdaman mo sa akin. Pero isang gabi na pauwi na tayong dalawa, nakatingin ako sa'yo pero nakatingin ka sa isang lalaki. Parang nakita ko na ang ganung klase ng tingin... aha! ganyan ang mga klase ng tingin ko sa'yo. Talo na ko, ano ba laban ko sa isang gwapo, matangkad at mukhang mayaman na tulad niya. Ang pinanghahawakan ko lang ay ang nararamdaman ko para sa'yo, at hindi ko alam kung sapat na ba iyon para sa preferences mo. Buong biyahe natin pauwi di ako nagsasalita, tinatanong mo ako kung bakit ako ganyan, naninibago ka sakin. Ito na siguro ung pagkakataon para sabihin kung ano ba talaga nararamdaman ko para sa'yo, pero mas pinili ko pang sabihin na ewan ko, na matutulog nalang ako kasi wala akong tulog kakagawa ng projects. Nanahimik ka nalang. Ganun din ako. Mas maayos pa nga siguro kung manahimik nalang ako kesa magpaliwanag pa ko.

Ngayong gabi madilim dito, walang ilaw, brownout sa aking mundo. Sa init naiinip, sa dilim nangangapa, naalala tuloy kita... Umaasa, nag-iisip kung mayroon pa ba akong pwedeng gawin kundi maghintay, maghintay ng pagkakataon kung kelan hindi na dadagain ang dibdib ko, maghintay sa isang pagkakataon na hindi na dadating, talo na ko. Tumunog ang cellphone ko, kasabay ng pagtilaok ng manok. Umaga na pala at nagtext ka.

"good morning...ano na namang kadramahan ung kagabi ha? hehehe...sabay tayo umuwi mamya ah..ha? ha? ha?"

"wala lang yun...sinumpong lang...meron ako eh...sige sabay tayo mmya sunduin kita..=p"


Maya-maya lang ay may ilaw na, pero sana ay malaman mo. Magka ilaw man madilim pa rin, magka ilaw man madilim pa rin kung wala ka...
"Sige sabay tayo mamaya..." sinabi ko na naman 'yun, isang araw na namang lulong sa panaginip. Lubog sa lupa, halik sa hangin. Hindi ko na alam kung ano na ang mga susunod pang mangyayari. Malabo parin, nagmamakaawa na 'wag umiral ang kabaduyan ng tadhana.


Paalala: Pasensya na Parokya ni Edgar at Sugarfree, ginamit ko lyrics ng kanta ninyo. Maraming Salamat! Suportahan ang musikang Pilipino!!

Ang naturang gawa ay kathang isip lamang, kahit anong pangyayari na nasulat na may pagkakahawig sa totoong buhay ng isang tao ay hindi sinasadya. Kung ayaw ninyong maniwala, eh 'di 'wag! hmfnez! =>



Peace Out!

No comments: