Friday, August 10, 2007

Wala Lang

Natapos itong mai-type sa aking cellphone ng 12:49 AM, 08-10-2007

Napakahirap ipagtugma ng iniisip ng utak at nararamdaman ng puso. Ang tanong na yes o no para sa puso, dinadagdagan pa ng why sa huli ng utak. Simple, ginagawang kumplikado. Ang pag-ibig na alam kong dapat ibigay sa taong totoong mahal ko ay ibibigay ko sa taong alam kong susuklian ang pag-ibig ko. Dahil sa katotohanang hindi ako kayang mahalin ng taong totoo kong mahal. Ilalabas ko ang sarili ko sa lugar na yun sa butas na nahanap ko.

Pero sa huli, ang bagsak ko din ay sa isang mas magulo pang lugar. At hanggang hiling nalang ako na sana di na ako umalis sa katayuan kong iyon dati, na sana pinili ko nalang na ako ang masaktan kaysa makasakit pa ako ng iba. Sinagot ko nga ang yes pero kinontra ko rin yun nung tinanong na ako ng utak ko. Sana pinili ko nalang ang simple kaysa sa ginawa ko pang kumplikado ang lahat. Sa huli, talo parin ako.