Ano naman napala mo ngayon? As usual, wala no? Sinasabi ko na sa'yo dati pa na magseryoso ka naman paminsan minsan. Lagi ka nalang kasing ganyan eh kaya walang nangyayari sa inyo.
Dinadaan mo lang sa biro lahat ng gusto mong sabihin. Puro ka joke, joke 'pag naglalakad, joke 'pag kumakain, joke pauwi, joke lang lagi. Isa kang malaking joke kung alam mo lang. Para kang artistang 'di naman dapat maging artista, banda na sikat na hindi naman magaling, mga tao sa big brother house, mga politikong magaling lang 'pag nangangampanya. Lahat sila joke sa lipunan, kasama ka na sa kanila ngayon.
Ano ba gusto mong iparating sa kanya sa mga ginagawa mo? Inuunahan mo na siyang wala lang 'yun. Dahilan doon, dahilan dito. Palusot doon, palusot dito. Siguro try mong baligtarin ang suot mo, tapos ibitin mo sarili mo ng patiwarik, baka dahil 'dun masabi mo na kung ano ba talaga nararamdaman mo, hindi ung mga antonym 'nun. 'Wag ka ng sinungaling pare ko, masama 'yan. Dinagdagan mo lang ng insulto ang katauhan ni katorpehan.
Oo, gusto mo siyang maging masaya 'pag magkasama kayo pero dadating ang panahon na aaminin mo din na mahal mo siya. At dahil nasanay siyang mapagbiro ka, hindi seryoso at makulit, sa tingin mo maniniwala siya sa sasabihin mo. Makukuha ka kaya niyang seryosohin.....
Bahala ka na, kung ano man maging ending, kung maging comedy o tragedy 'yun, magkatuluyan man o hindi ang mag-love team, hindi ka naman mamamatay eh. Alam nating nabubuhay lagi ang bida hanggang matapos ang telenobela. Habang may buhay. may pag-asa ika nga.
Sunday, April 29, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment