You are the last person I really want to talk to. Sometime I beg to differ, but still you showed me that things didn't really changed. You are not on my wish list, not expecting a thing from you underneath the tree. Just don't stay up late by the phone, they must've spent a lot of money on that... Oh! All I want for Christmas is one awkward silence, before I bury myself alive.
Merry Christmas, i could care less.
Showing posts with label Shorts. Show all posts

Monday, December 17, 2007
Friday, August 10, 2007
Wala Lang
Natapos itong mai-type sa aking cellphone ng 12:49 AM, 08-10-2007
Napakahirap ipagtugma ng iniisip ng utak at nararamdaman ng puso. Ang tanong na yes o no para sa puso, dinadagdagan pa ng why sa huli ng utak. Simple, ginagawang kumplikado. Ang pag-ibig na alam kong dapat ibigay sa taong totoong mahal ko ay ibibigay ko sa taong alam kong susuklian ang pag-ibig ko. Dahil sa katotohanang hindi ako kayang mahalin ng taong totoo kong mahal. Ilalabas ko ang sarili ko sa lugar na yun sa butas na nahanap ko.
Pero sa huli, ang bagsak ko din ay sa isang mas magulo pang lugar. At hanggang hiling nalang ako na sana di na ako umalis sa katayuan kong iyon dati, na sana pinili ko nalang na ako ang masaktan kaysa makasakit pa ako ng iba. Sinagot ko nga ang yes pero kinontra ko rin yun nung tinanong na ako ng utak ko. Sana pinili ko nalang ang simple kaysa sa ginawa ko pang kumplikado ang lahat. Sa huli, talo parin ako.

Labels:
Shorts
Sunday, July 22, 2007
Tambay
Sa isang araw na masarap ipangbuklod ang beer, sigarilyo at baon na kwentuhan, masarap makasama ang mga kaibigan. Nakakagaan ng pakiramdam ang mga oras na pwede mong sabihin ang problema mo, pakikinggan ka nila, at may isang magjo-joke tungkol dun at syempre sasabihin mo... "tangina mo!" sabay chop sa leeg niya, sabay malakas na tawanan. Pero hindi parin mawawala ang mga seryosong parte sa loob ng bilog ng mesa, mga payo at pagbibigay linaw sa magulong sudoku ng buhay.
Pagkatapos mabuga ang lahat ng usok, maubos ang pulutan, mainom ang lahat ng laman ng bote, magiging mas maayos kaysa sa dati ang mga bagay bagay, at masasabi mo sa huli na... "kaya ko 'to... kakayanin ko 'to...".
Rock on lang sa magulong moshpit ng concert ng buhay... Czarina at Lois. :o)
Peace Out!!

Sunday, July 08, 2007
Uwian
Tanaw na kita sa paglabas mo sa college building at papunta ka na dito. Ang ganda mo talaga, lalo na 'pag tumatawa ka kasama ang barkada mo. Teka, salubungin na kaya kita, mukhang mabigat ang mga dala mong libro. Hintayin nalang kitang makarating dito, pagmamasdan muna kita.
Malapit ka na... sampung hakbang... Nasa tabi na kita...
At nasa tabi ka na ng boyfriend mo...
Aalis na ko, ingat ka, mag-enjoy ka sana kasama niya. Tara pare, yosi tayo sa labas ng campus, ibuga mo nalang kasama ng usok yang nararamdaman mo para sa kanya.

Subscribe to:
Posts (Atom)