Showing posts with label Karanasan. Show all posts
Showing posts with label Karanasan. Show all posts

Wednesday, July 11, 2007

Buhay Buhay

Medyo magulo pa buhay ko ngayon, wala pang linaw ang mga sumusunod:

1. Thesis (Bukas namin malalaman)
2. Kwarto ko (Pinipinturahan pa, sa sofa ako matutulog ngayon)
3. Harry Potter ('Di ko pa alam kung kelan ako manonood)
4. Quiz sa Numerical Methods (Huling balita: Nasa emergency room daw ang prof namin)
5. Lablayf (Kanta nalang tayo ng "Makulay ang buhay sa sinabawang gulay!!")

Pero inpsite ng mga bagay na 'to, masaya parin dapat. Parang 'yung mga nakita ko sa daan nung nasa byahe ako. Una, sa jeep, "Full the string to stop. Hila mo, tigil ako". Parang yung SM Horizon lang na nakita namin sa bus nung papunta kaming Cavite. Anyway, eto pa ang iba, "Laundryvouz" isa itong laundry shop, pangalan palang, sosyalin na. Eto pa, "Ritchie Cuarda for Congressman", kung ako ang campaign manager nya, papalitan ko yun. Gagawin ko iyon na "Ritchie "da howsie" Cuadra for Congressman". Mas may dating di ba.

Samu't saring bagay pa ang nakita ko, gym na puno ng papang pawisin, rugby boys, yosi boys, ang tongits barkada, duguang lalaki (nasaksak ata, tapos pumapara siya ng dumadaang sasakyan, punta yatang ospital, hula ko lang ah) at iba pa. Eto pa napansin ko nun, ang magaling na driver ay consistent na nasa right lane, tumitigil kahit 'di naman pinapara. Kung seswertehin ka ba naman, uwing uwi ka na, ganito pa. Gusto ko na ngang kumanta nun ng "to the left, to the left (2x) please manong driver drive to the left".

~o~o~o~o~o~


Sa problemadong buhay, 'di naman dapat laging mabilis ang pagbigay ng solusyon. Unti-unti lang, parang 'pag gagawin mong sorted ang buhay mo ay gamitan mo ng bubble sort, matagal ang execution, pero dapat sa bawat passes nito sa buhay mo ay may matutunan ka. O kaya, gamitan mo ng Taylor's Series, habang naso-solve mo ang values ng mga terms ay lumiliit ang absolute error mo, kahit pano ay malapit ka na sa true value ng buhay mo.

Mukhang mahaba ang nagawang source code ni Lord para sa buhay ko at natatagalan ang pagcompile nito. Hanggang ngayong wala paring linaw, 'di parin alam kung may undeclared variable o missing na semi-colon. At kung wala ngang error, at nai-run na ang program ko, 'di pa sure kung wala itong logical error at hindi magi-infinite loop. Alam kong sa huli, ako parin ang programmer at gagawa ng testing at debugging sa buhay ko.

~o~o~o~o~o~


Nang bababa na ako, binasa ko ulit ang nakasulat, "Full the String..."

hmm...

Full?? ...

hmm...

"Ma! para ho! *pitik sa bubong ng jeep*"


Peace Out!

Monday, June 25, 2007

Lagpas alas dose na, hindi na maganda si Cinderella

Lutang, absent minded, bad trip, malungkot, putang ina! gusto kong makipagsuntukan. Para akong pinagtripan ng isang daang tambay sa kanto, para akong binasted ng isang daang babae, para akong pinakaen pinaang longganisa at parang pinagduldulan yung mukha ko sa kili-kili ng babaeng may putok (turn off..syet), basta ayoko ng ganitong feeling. Ang masaklap pa hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

Dinadaan nalang sa pagyoyosi, paginom sa bote ng beer sa tabi ko ngayon, pakikinig sa ingay ng cpu fan ko at 'moo' ng mga bullfrog sa labas, pagtingala sabay sungkit ng kulangot tapos pitik! sapol!

Hindi sadyang napupunan ng mga bagay na 'to kapag magisa ako ang mga kakulangan ko sa buhay. Kakulangan ng self-esteem, kakulangan ng confidence, kakulangan ng height, at ang pinakabago, kakulangan ng thesis topic.

Dahil nga ba sa mga pagkukulang na 'to o hindi ko lang kasi nagagawan ng paraan. Aba malay ko, hindi ko nga alam kung bakit... kahit ano nalang. Mare-realize ko din kung ano ba dapat at kung ano ba talaga, sa ngayon, ako muna ay lutang, absent minded, bad trip at malungkot. Itutulog ko lang naman 'to, wala na 'to bukas.

"What are the telephone companies here in the Philippines?? ...Most of them are telephone companies."
-Amazing "A"


...Hiwaga at talinhaga pinagsama, amazeng! Recursive 'yung statement, paki-intindi nalang daw klasmeyts.

Peace Out!

Saturday, April 14, 2007

Mga Kailangan at Gusto, Needs and Wants ika nga...

Eto na ulit ako mga kaibigan, kung may nagbasa nga ba ng blog ko. Ang kwento natin sa madaling araw na 'to ay... bahala na, kung ano nalang matype.

Noong tuesday ng gabi hanggang wednesday ng madaling araw nag-inuman kame ng mga kaklase ko, gran matador on the rocks! Pati pulutan on the rocks na din. Kwentuhan, sayawan, yosi, kwentuhan ulit, tawanan, pag-gago sa isa naming kaklase at kwentuhan na naman, lahat on the rocks na. Sa isang pag-inom ko ng streyt sa isang baso ng ice-cold beer, sinabi ko na para sa girlfriends ng tatlo kong kaklase, sa boyfriend nung isa at isang soon-to-be-bf yata ng isa, para sa minamahal ng ginagago naming kaklase at para kay *toot*, damn, masarap ang beer at nag-wish na sana maging masaya at maayos ang lahat. Naisip ko, kailangan ko na nga ba ng lablayf... hindi pa, gusto ko ba... kung gusto niya. Tangna, madrama.

Kinahapunan ng wednesday, pumunta ako sa bahay ng kaklase ko at inabutan ko silang nanonood ng Grey's Anatomy season 3. Eh di syempre, nanood din ako, walang nagsasalita at walang nagtatanong kahit puno na ng tanong utak ko... "ha? sino ba yan? so sino ang kontrabida jan?". Oo, ako na walang sense at walang alam. After ng isang episode, bumili kame ng isaw, tenga, balunbalunan at barbecue. Bumili din kame ng halo-halo, on the rocks parin. After kumaen, nanood ulit kame, 4 o 5 episodes ata 'yung pinanood namin. At after mapanood ang magandang season 3 ng Grey's Anatomy, narealize ko na, kailangan ko na ng dvd player! Napag-iiwanan na ako ng technology.

Kaninang umaga, nagkaroon kame ng general orientation sa SPi para sa mga natanggap na applicants. Masaya naman, kahit inantok. Ayos din kasi may isang lalaki dun, 'pag tinabihan ko, feeling ko ako si Yao Ming. Minsan lang 'yun, at naging masaya ako sa moment na nag-krus ang landas namin, sa loob ng 3 segundo, naging matangkad ako. Anyway, tama na ang pang-aasar at baka makarma ako, kailangan kong magpakabait at magpakatino para maging maayos ang internship ko sa company na 'yun.

Pauwi na ko kanina at nakasabay ko sa van pauwi ang valedictorian ng lower batch sakin, 2 years younger sakin. Nung pa-exit na kame sa tollgate, in-approach niya ako kung pwede ba siyang makitext kasi na-low bat na siya at kailangan niyang i-text ang mommy niya, magkikita daw sila sa SM Marilao. Ganito ang pagkakasabi niya, "KUYA Emil..." Wow! Matanda na nga ako, gusto ko sanang sabihin na Emil nalang, kaso magalang siya eh, hindi na ko dapat kumontra dun. Ganun nalang inisip ko, ginagalang niya lang ako, pero kasi nga matanda ako sa kanya. Syet. Ang ginawa ko nalang ay pinatagos sa kabilang tenga ko ung word na KUYA, lumabas sa may bintana at nahagip ng truck na nakasalubong ng van. Kaya 'pag kakausapin niya ako, ganito nalang 'yung naririnig ko, "*toot---woooshh* Emil....", ayos na, masaya na ko 'dun.

Basta tumatanda na nga tayo, madami ng nangyayari na nangangailangan ng mas mature na decision at mas wais na diskarte. Kailangang ko nang magsumikap kung gusto kong maging maayos buhay ko at yumaman, kasing yaman ni Tito Donald Trump.


Peace Out!

Monday, April 02, 2007

SPI na nga ba...

Nag-iisip ako 'nun na ang tatlong letra na magpapabago ng buhay ko ay O-J-T. Hindi pa kasi ako sigurado kung saang company makakakuha ng OJT, samu't saring kompanya na ang pinasahan ko ng resume, mapa-job fair sa UST, mapa-online submission o walk-in sa bawat building sa Makati. Ngunit ngayong araw na 'to, nabago ng panibagong tatlong letra hinaharap ng buhay ko, 'di pa sure pero sana nga eto na..eto na..eto na...waaahhh!! S-P-I.

Nakapasok na ang dalawa kong friends sa SPI, sa MIS sila na-assign, matapos ang dalawang madugo-dugong interview. Bukas ko malalaman kung pasok ba kame nung isa kong friend dun, either daw sa Networking o Systems kame ilalagay. Isang session nalang ng interviews at malalaman ko na ang kapalaran ko ngayong summer. "Walang iwanan 'to, sama-sama kaming apat dun", ito ung sinasabi ko sa sarili ko. Kaya natin to kaibigang James! Hawak kamay! Hawak Bewang! --Ayvan.

Hanggang sa muli, wish us luck mga kaibigan! Matutulog na ko para makapag-pahinga na ang aking katawan.


Peace Out!

Sunday, March 18, 2007

Kung Ano Nalang Meron...[1]

Mommy at Daddy ko naguusap habang kame ay kumakain:

Daddy: Bakit ang dami mong reklamo sa bahay natin, nagtrabaho ako para maitayo at magawa 'tong bahay natin.
Mommy: Di naman ikaw gumawa ng bahay eh.
Daddy: ???
Mommy: Karpintero gumawa nito.
Ako: <*applause*> Good point, good point.

Minsan, inspite ng madaming ginagawa, pressure sa mga subject kung papasa, di pwedeng hindi ka mang-gago, mag-joke tska mang-trip ng kaklase tska kaibigan. "Tatawa nalang ako", linya na namin yan 'pag ang daming nagiging last minute epal sa mga projects, e.g. papunta ka na ng iskul, tapos malalaman mo na nagloloko ung program para sa system mo na i-dedefend mo ng 7pm, buti nalang na-test namin sa laptop bago umalis ung fx.

Sa mga panahon na ganito, yung malapit na yung final examination....hmmm <*napa-isip*> yurika! bukas na pala ung start ng exam, di pa ko nagaaral!

Ehem! Ehem! Tulad nga ng sinasabi ko, sa mga panahon na 'to, kelangang kelangan ung mag-aral ng mabuti!! kelangang maabot ang dapat maabot!! maatim ang dapat maatim!! mahagilap ang dapat mahagilap!! maarok ang dapat maarok!! "manguha ang napat manguha!!" Hay, 'di ko na na-explain ung point ko, next time na nga lang.

May nabasa akong kowt, "kung may isang kulang ngayong college sa buhay ko, 'di ung matataas na grades, 'di din ung love life, kundi, next line, next line, next line, next line, next line... TULOG". Sa sobrang pagka-antig ng puso ko sa kowt na 'yun, napa-utot ako. Pero totoo 'yun, sa sobrang pressure na dapat mo matapos ung project mo, kahit isang minuto ang masayang, paghihinayangan mo. Kaya 'yung mga tulog namin ay matatawag mong tulog nalang. Pero ang dami kong natutunan 'nun, natuto akong magsipag lalo, mag-focus sa mga dapat gawin. Natutunan ko din na kahit 2am tumitalaok din ung manok, masyadong advance ung rolex nung manok na 'yun.

Hmmm... May nakakalimutan yata ako...

Hmmm...

'Di pa pala ako nagaaral, type ako ng type dito baka bukas wala akong ma-type sa test paper ko, pangalan ko lang tska section. Minsan nga naiisip ko nalang, lagyan ko kaya ng "100" ung linya para sa score mo sa test. Ano kaya gagawin ng prof ko? Ay ewan, magaaral na ng ako.


Peace Out!

[1]"Kung Ano Nalang Meron" - un kasi ung sinabi ko sa nanay ko nung tinanong niya ko kung ano gusto kong ulam para sa tanghalian. Koneksyon sa post ko?? Syempre... wala.

Saturday, March 10, 2007

Kamusta naman...

I'm listening now to my metallica mp3s. I miss the guitar riffs and guitar solo of Pareng Kirk, the drumlines of Ninong Lars, the voice of Tito James Hetfield and the basslines and riffs of Tol Jason Newsted, now, the bassist of the band Supernova.

Kamusta naman yun...Gusto kong sabayan ng pagtugtog ng bass ung mga kanta nila, kaso sira amp ko. Pakshet, putol string nung gitara ko, alangan naman na sabayan ko sa kahon to, (hmmm.. sige, try ko mamya). Hindi ko na naaasikaso ung mga instruments ko, di na rin ako nakakapagpractice sa sobrang dami na ginawa. Ganun nga siguro pag tumatanda ka na.

Dahil katatapos lang kameng gisahin nung defense namin, at mapasa ung project sa Compiler Design, at inurong ung pasahan ng program assignments sa Java, relax lang muna ako ngayon and I do deserve it!!

I browsed thru my friendster account, ewan ko kung bakit napapadalas pagpunta ko sa site na yun, pagkakita ko ng 'friends page', wala ng sense. In the first place kasi, wala namang sense para sakin ung friendster. Mahilig lang talaga ako tumingin ng pictures kaya siguro ganun. Ayoko nalang magreklamo at baka makasakit ako ng damdamin ng isang die-hard fan (o dependent) ng friendster. Sad but true.

Pati tong post ko na 'to walang sense, uso ata ngayon. => 'til we meet again!!

Peace Out!

Sunday, February 18, 2007

Want Coffee?

Coffee para sa mga taong di matutulog. Coffee para sa mga taong kagigising lang. Coffee para sa mga taong may hangover kinabukasan ng inuman. Coffee para sa mga taong walang magawa. Coffee para sa mga taong gustong tumambay at magkwentuhan.

Balik ako ngayon sa paggawa ng project namin. Hindi na naman ako matutulog kasi konti nalang ung oras, 'di ko mamamalayan pasahan na. Motto nga sa buhay, Time is Gold. Ang daming pang kulang, ang dami pang dapat gawin. Kung pwede naman na hindi na matulog, wala na munang tulugan 'to.

Sobrang nag-relax ako last week, kasi nga walang klase tska walang ginagawa. Pero di ko nahanap nun yung time para gawin ung mga project. Napagisip-isip, eto nalang ung time para makapag-relax. Kaya tinodo ko yung pagtulog, late ako sa usapan kasi nga masarap matulog. Sakit tuloy ng ulo ko pagkagising.

Hindi lang relax ginawa ko nun, pati pag-inom. Red Horse, San Mig Light tska Colt 45, lahat nainom ko last week. Ewan ko bakit uminom ako nun.

Syempre, hindi pwedeng, hindi kami magliwaliw. Pumunta kaming Baywalk, nagkuhanan ng picture, naglakad hanggang CCP,nag-taxi hanggang Mall of Asia, kumain sa Pupung en Friends, nagkwentuhan, nagkuhanan ng picture, tapos nagkape at tumambay hanggang 10pm.

Masaya ako sa mga nangyari last week, alam kong masaya din sila inspite ng mga problema namin. Alam kong mauulit 'yun, matapos lang lahat ng dapat gawin.

....Ang sarap langhapin ng aroma ng coffee na 'to, at may richer taste... Kamukha ko si Piolo!!


Peace Out!

Sunday, December 17, 2006

Hosana, Pasko na Naman...

Alam naman nating malapit na ang pasko, mga ilang araw nalang mula ngayon. Hay, kay bilis ng araw parang kelan lang ung nagbukas ako ng regalo sakin ng mga ate ko tska ung huling reunion ng high school classmates ko.
Eto na naman ang pasko, ramdam mo ang pagdami ng tao sa mall, lalong lalo na sa divisoria at sa 168, madami ang sinisigawan ng mga intsik na tindera na "...Pili na ikaw ale, koya, mura aking tinda.....ha? ano? wala kame hanap mo, pero ganda tinda ko, tibay pa...". Ikwento ko lang ung minsang pumunta ako ng 168, sa 3rd floor nun, pumipili ako ng relo, syempre bibili ako, ayun sabi ng ale, "Eto ganda rero, mickey mouse, P150 may raragyan, P110 pag wara..." anak ng pitong puting tupa, di ko alam kung tatawa ako o hahalakhak, di mo alam kung instik un o hapon eh.
Eto na naman ang pasko, ramdam mo ang pagdalas ng "Message Sending Failed" o "Message Not Sent This Time", lalong lalo na mall na napakadaming tao especiarry sa 168..hehehe. Siguro kasi malapit na pasko kaya ganun, dalawang sim meron ako, parehong hirap mag-send. Pano pa kaya kung araw na talaga ng pasko o new year na.
Eto na naman anf pasko, ramdam mo ang paghina ng service ng SmartBro, anak ulit ng pitong puting tupa, napakabagal ng internet, ggrrr!! Ewan ko kung may connection yun sa pasko, pero nung ibang araw naman na gamit ko ang internet, hindi naman ganun kabagal, hmmm...
Eto na naman ang pasko, ramdam mo ang pagkaubos ng iyong pera at masasabi mo nalang na, "damn man, i'm flat broke!" o di ba, kahit wala ka ng pera, cool parin ang dating mo. Ang konswelo mo nalang sa pagbili ng mga regalo ay ang appreciation na makukuha mo sa mga taong binigyan mo ng regalo, at higit sa lahat, ang regalong matatanggap mo galing sa kanila, hay, lakas kong umasa, kapal din ng mukha ko eh.

Sana lahat ng tao ay maging maligaya ngayong dadating na pasko, ung makita mong nakangiti sila, solve ka na eh, ayos na. Sana maging maayos lahat ng problema, sana lahat ay maging happee.
Hanggang dito nalang mga kaibigan, tuloy ko na ang pinakamagandang regalo na matatanggap mo galing sa mga professors mo, /* sarcastic */ ,project at case study na ang deadline ay pag-resume ng classes next year.

Peace Out!

Sunday, November 12, 2006

Ngayong Oras Na To...

Ngayong oras na to..naisipan ko lang na magpost dito sa blog ko...

Malungkot ang buhay, isa akong indecisive na tao...may tugtog kame sa saturday sa ortigas, walang practice...pero ok lang sa kanila na tumugtog dun...di ko alam gagawin ko kung maaasar ako o matutuwa...di ko alam kung magprapractice ako o tutunganga nalang...

Kakatapos ko lang manood ng The Exorcist, aliw lang kasi nakakatakot din siya kahit paano...labo lang ng ending kaya ang gara...nakakabitin...

Katext ko kaibigan ko, ayun malungkot din, love life ang storya...no comment nalang ako...

Nakikinig ako sa mga mp3's kong maingay...para ung aura ng kwarto ko galit...kasi kanina masaya ako kaya backstreet boys tska n'sync tugtog dito...ung tipong nakakabading...

Sa tuesday babalik na naman ako sa malungkot na dorm, na wala na kong ginawa kundi manood sa mga tao sa street ng Antonio...pero masasanay din ako dun...pag naging busy na sa school..di ko na mapapansin na boring pala ung lugar na yun...

Kaya ako ganito kasi naguguluhan ako halos sa lahat ng bagay...di ko alam gagawin ko...

ahh..papanoorin ko nalang uli ung jollibee scandal...para matawa naman ako ng ganito...hehehe...

Peace Out!!

Thursday, November 02, 2006

My PhD-Certified Personality Test Summary

Nagtake ako ng test dahil nga wala akong magawa at inferness totoo ung mga pinagsasabi sa summary report ng test. Eto un:


Emil, your Personality Summary


Key Areas of your Personality

Your personality stands out from the average person's particularly in the areas of:

Your High Curiosity Level
Your Low Distractibility
Your High Empathy/ Sensitivity Level

One chapter of your 100-page Personality Report is dedicated to how you compare to the average woman and the average man in the 8 main areas of personality, and how this affects the way that people interact with you.


Subset of your Personality Measurement:



Your personality is made up of a unique pattern of traits. These traits impact the way you think, feel, and behave on an everyday basis. In your report you will read a detailed explanation of each of your core personality traits, including your strengths and challenge points.

Your Interaction Style:

You scored 60 in the area of extroversion/ introversion, which means that your energy is directed primarily outward towards other people and things - rather than inward. You don't mind being alone, but you feel most energized and inspired when you are around other people. Your mixed extroversion/ introversion tendency affects your learning style: For example, it is more effective for you to listen to a person explain something than it is for you to read about it on your own.

Social patterns: You are right-brained when it comes to interacting with people and recognizing emotions in other people.

What does this mean? Since there is a 'cross-over' in the human brain for visual information, it means that you tend to focus on the left side of a person's face when you want to figure out what they are thinking and feeling.

Hearing preferences are an interesting exception to this right-left crossover rule. For example, if two people were talking behind a closed door and you needed to put your ear on the door to eavesdrop, it's likely that you would use your right ear instead of your left.

This Personality Summary is based on only 2 out of the 32 personality dimensions we measured in the questionnaire. Your 100-page Personality Report is based on all 32 dimensions and will give you and in-depth analysis of your unique personality.

Knowing yourself better will help you lead a happier and more successful life:



Ayun...2 out of 32 personality dimensions ko palang daw yan at ang 100 page (yun buong 32 dimensions) Personality Report ko ay mabibli sa halagang $29.95, inuulit ko $29.95...order now!!

Tae..pero inferness totoo..

eniweiz eto ung site: http://www.personality100.com

Peace Out!

Monday, October 23, 2006

Eklabuh sa Buhay ni Emil Edward Caisido

Kaninang nasa LRT ako pauwi... may nakasabay akong isang babae..mga 40-45 years old..tapos isang lalaki mga 25 years old siguro..ayun...akala ko naman magka-officemates o friends lang...tapus nung naupo ako...nakita ko silang magka-holding hands...hmmm..napaisip ako..

(ndi ko naman sinulat to para lang manyismis...eh sadyang observant lang ako ngayon kasi boring ang buhay...napapansin ko tuloy buhay ng ibang tao..)

Tapos may mala-brokeback mountain din dun...kasi medyo nakasandal ung isang lalaki dun sa kasama nyang lalaki..medyo lang naman eh..tapos parang ung katabi kong babae lumayo nung umupo ako..ewan ko..nafeel ko tuloy ambaho ko kasi nga ang init..pawis na ko..inamoy ko sarili ko..di naman..eniweiz..

Kyuryus lang talaga ako..ano kaya feeling pag naging ganun buhay ko..ung di tulad ng buhay ko ngayon..pano kaya kung ako ung batang nanghihingi ng barya sa mga bumibili ng MRT ticket na may tatoo sa braso...ang gara lang...

Kung maging katulad kaya ako nung namimigay ng flyers sa may EDSA pag tumanda na ko...takot akong maging ganun...at syempre hindi ko naman hahayaang maging ganun buhay ko...masaya ako sa buhay ko..bored lang...kaya ako siguro kyuryus sa buhay ng may buhay...

PS: Bad trip pag nakasakay ka sa masikip na jeep tapos yung katabi mo nagtetext..tapos ung siko nya nakatusok sa bewang mo..isa sa mga putang inang bagay na ayaw ko..

Peace Out!

Tuesday, August 22, 2006

Nasasabik sa Unang Araw ng Eskwela..pagtapos ng Prelim Week..Tae..

Nakasakay ako sa jeep pauwi dito sa bahay namin sa marilao, bulacan. Ayun, ng-lrt ako tapos sumakay ng jeep na ang daan ay sa nlex hanggang sm marilao. Tahimik sa jeep at pota di ko alam bakit nung napuno na ung jeep, 3/4 nalang ng pwet ko ung nakaupo, tolerable naman na hindi ako mangangawit pero uncomfy kasi parang singit lang ako. Ayun, nagmuni-muni nalang ako bago ako mapikon at inisip ang school matters.
Nagsimula ung classes ko sa ETAR, Economics, Taxation and Agrarian Reform na hindi ko alam kung bakit may ganun akong subject samantalang comp sci ako. Ayun, eniweiz, 81 out of 100 ako sa prelims dun, pwede na un kaysa sa isa kong kaklase na 47 ung grade. Ayun, like always, bago nya ipamigay yung test papers para sa results, magpapatawa siya by saying na keso may isa syang estudyante na kung anu-ano daw sinasagot, may nagdrawing nalng daw ng road tska bukid instead na magdrawing daw ng graph for rice and road. Ewan ko ha, pero minsan di na ko naniniwala dunm sa oink oink na yun..joke only..ayun..
Next subject ay math, Discrete Mathematics II, matanong nyo kung ano yun, di ko din alam eh, di ko lam gamit nun sa pangaraw-araw na buhay. Di naman pwede na ganito.. "Ma! bayad po ng isang echelon form ng subspace of V" ewan ko, sabi ng kabarkada ko may gamit daw ung subject na un para samin, hanggang nagninilay pa rin ako kung ano ung gamit na yun. Eniweiz, hindi nya binalik ung test papers namin, pero alam ko ng alanganin grade ko kasi pinakita nya ung solution para sa mga tanong at mali ako, umaasa nalang ako sa partial points at sa passing score na 20 out of 50. Pray for me..Amen..
"May malinta exit??" sabi nung mamang tsuper, nasa tollgate na pala kami ng balintawak at puta, napapautot ako. Shit, pano ako uutot eh masikip....
Ang ginawa ko, tumagilid akong konti sabay magtext para di halata, ayun nalabas ko pero tumingin sakin ung katabi ko, shit! pero yaan na, ako lang ba ang umuutot sa loob ng jeep??
Next subject namin at Concepts of Programming Language, wala naman akong reklamo sa results ng test, perfect nga ko sa last quiz eh. Ayun, ang problema eh dati ay kaboses nya lang ung malandi sa pinoy big brother na si say alonzo pero ngayon ok ok na kasi nagiging kaboses na nya si rufa mae quinto na malakas lagi boses. Ayun magrereport pa pala kame dun.
"May malinta exit??!!" sabi ni mamang tsuper, lapit na kami malinta exit at puta nauutot na naman ako. Tangina ano ba meron sa malinta exit..kamote?? Ayun, no choice tatagilid ako uli ngunit ako'y bigo, ayaw lumabas, puta di na pwedeng tumagilid kasi mahuhulog na ko, bahala na...
Puta, bumalik!! basta bumalik! lam ko poisonous un pero hindi naman siguro ako malalason kasi di ko naman palaging pinipigilan utot ko.
Back sa school, next subject ay never mind.. 49 out of 102.. tae bagsak! ok next..
Last subject namin ay Environmental Science, ayun di binalik ung test papers, kasi daw ginagawan pa daw nya ng paraan para pumasa kami, puta kasi magturo sya wag magreport. Ayun buti nalang mataas ako sa last quiz dun..thanks ma'm!
Buti nalang lagpas na sa malinta exit, di na ko nautot. Pero 1/2 pwet nalang nakaupo, ang magaling ko kasing katabi na macho gwapito..puta..
Hanggang dito nalang mga kaibigan..

Peace Out!