Isang malaking cliche sa mundo ang pagiging torpe, ika nga nung isang kowt na natanggap ko kanina..."wala sigurong taong matatawag na manhid kung lahat tayo kayang aminin ang totoong nararamdaman natin". May point siya dun, natatakot sabihin, natatakot umamin dahil sa mga naiisip na consequences kaya nagpapakamanhid nalang at nagpapakatanga nalang.
Isa sa mga strengths ko ay ang magpakatanga. Ang galing galing ko dyan, promise! Paturo kayo kung gusto nyo ha. Putang inang yan. Gawin nating example ay ang pagibig, sa pagibig gagawin mo lahat para mapasaya ang taong gusto mo pero hindi niya alam kasi nga torpe ka. Gagastos ka, gugulin mo oras mo sa kanya, magno-novena ka, magpu-prusisyon ka, at higit sa lahat magpapapako ka sa krus para lang sa kagustuhan mong mapansin at magustuhan ka niya, in short "martir" ka na. Kung sino ang hindi pa nagpaka-martir, swerte kayo, kung sino ung nagpaka-martir na taas ang mga kamay! Ako muna magiging representative nyo kung ok lang.
Naranasan ko na ang bagay na yun, ang sakit, ouchnez ika nga. Lalo na pag sasabihin sayo, may gusto siyang tao...*pagasa! pagasa! baka ako yun*... at hindi ikaw. Kamalas-malasan din minsan pagdating sa love life. Pero sabi nga nila, "you deserve someone better...", magtiwala ka nalang dun at magkakaroon ka na ulit ng pagasa siguro.
Kung nahahalata mo naman na hindi worth it ang ginagawa mo at magiging mas productive pa ang buhay mo kung sa ibang bagay, e di itigil mo na ang kagaguhang iyon at get a life. Masakit pero ganun talaga eh, part of growing up ika nga ulit. Wag ka lang bibitaw ng kapit, general rule of thumb yan, ayos di ba.
Napapansin ko madadrama ang mga huling post ko dito sa blog ko. Eto na ata ung withdrawal syndrome ko pag hindi na ko nakakapag-panigarilyo. Naghahanap na din katawan ko ng alcohol na maiinom, mga kaklase! inuman na tayo! please!!
Peace Out!
Tuesday, April 03, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
I know naman natin kung sino talaga tinutukoy dito. At wag nang maggaguhan na sabihin "tinatamaan ka lang" o kung ano man.
Torpe ako, maybe. Pero the truth is, I'm just indecisive. Hindi ko alam kung dapat ituloy o hinde. In the end ginawa ko lang ang tama.
Kung masaya na ang tao, sa tingin mo ba dapat pang habulin? Masaya na siya sa BF nya, so why should I even bother?
Simple lang tol. Don't take what's already taken. It took me a long time to figure that out.
I made mistakes, oo, inaamin ko. Marami yun. Tanga na ako dahil dun. Pero hindi ko nagugustuhan yung paulitulit na panlalait ninyo.
Hindi ko na talaga naaappreciate mga pinaggagagawa ng barkada nyo.
Ngayon, everything's back to normal, lahat masaya, so just drop everything. Masaya na lahat, k?
Peace, and God bless.
hmmm...hindi naman kasi specifically tungkol sa'yo to eh. Kaya nga sinabi ko na ako muna magiging representative ng mga martir..gets? kasi hindi lang 'to tungkol sa isang tao, so wala akong pinapatamaan na isang tao.
'wag mo nalang idamay barkada ko kasi nga wala na kaming ginagawa sa'yo, 'di naman ako magtataka kung tinamaan ka kasi general ang approach ko dito. pasensya na kung tinamaan ka, wala akong pinapatamaan, 'di ko ugali 'yun, ako naman ay nagsusulat lang.
haha! ano ba yan. #-o. Actually, tungkol 'to kay EMIL at hindi sa ibang tao. Sinulat nya yan buhat sa kanyang sariling karanansan (na hindi ko pedeng ikwento kung ano un... haha!). Batu-bato sa langit.
at dahil sa conscience powers ko ay binura ko ang aking comment..mabait na ako :)
ganyan tlga..my sari sariling opinyon ang mga tao..hayaan na natin cla.. dahil black saturday ngaun.. mgpacenxa tau hehehe
Honga, ako din kaya Torpe, hindi ba emil?! lois?! kaya cool ka lang boy. XD
Post a Comment