Kasalanan mo parin kung bakit ang kahapon nandito parin. Iwas ka ng iwas, galit ka na sa kakulitan pero 'di mo parin ito pinapaalis. Sa Diyos ka umasa, sambit ka ng sambit ng kanyang ngalan. Iniisip mo ang katangahan ang kasagutan. Puro ka sisi, at puro hinala, pero alam mo sa sarili mo ang wala sa lugar. Pakiramdam mo tangan mo ang bigat at kasali ka sa gulo, pero sabit ka lang. Ang nakakapawis mo lang na ginagawa ay ang paghukay sa iyong libingan. Nawala na tingkad at kasiyahan.
At isa ka pa na pakiramdam mo ay alam mo ang lahat. Sa isang kamay hawak mo ay libro, sa kabila naman hawak mo ang leeg nila. Lumilipad ka gamit ang isang pares na pakpak, isang pang-anghel at isang sa demonyo. Hindi ka tumitingala o yumuyuko. Dahil nasa palapag ka na ng mga Diyos mo. Nakakalula ba sa inaapakan mong putikan na gawa mo rin? Nakakangawit ba tumingala sa itaas? Hinihintay ka lang Niyang tumingin sa Kaniya. Hindi ka na nabawi sa ginawa ng kagaguhan. Wala ka ng pakiramdam at pakialam.
Tumingin kayong dalawa sa salamin at malalaman nyo na nalulunod na kayo sa sarili ninyong dugo. Nababaliw. Nang-aaliw. Kayo ang payaso nila. Pinakupas lang ang nakalagay sa inyong mukha.
Wednesday, November 07, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment