Sunday, March 18, 2007

Kung Ano Nalang Meron...[1]

Mommy at Daddy ko naguusap habang kame ay kumakain:

Daddy: Bakit ang dami mong reklamo sa bahay natin, nagtrabaho ako para maitayo at magawa 'tong bahay natin.
Mommy: Di naman ikaw gumawa ng bahay eh.
Daddy: ???
Mommy: Karpintero gumawa nito.
Ako: <*applause*> Good point, good point.

Minsan, inspite ng madaming ginagawa, pressure sa mga subject kung papasa, di pwedeng hindi ka mang-gago, mag-joke tska mang-trip ng kaklase tska kaibigan. "Tatawa nalang ako", linya na namin yan 'pag ang daming nagiging last minute epal sa mga projects, e.g. papunta ka na ng iskul, tapos malalaman mo na nagloloko ung program para sa system mo na i-dedefend mo ng 7pm, buti nalang na-test namin sa laptop bago umalis ung fx.

Sa mga panahon na ganito, yung malapit na yung final examination....hmmm <*napa-isip*> yurika! bukas na pala ung start ng exam, di pa ko nagaaral!

Ehem! Ehem! Tulad nga ng sinasabi ko, sa mga panahon na 'to, kelangang kelangan ung mag-aral ng mabuti!! kelangang maabot ang dapat maabot!! maatim ang dapat maatim!! mahagilap ang dapat mahagilap!! maarok ang dapat maarok!! "manguha ang napat manguha!!" Hay, 'di ko na na-explain ung point ko, next time na nga lang.

May nabasa akong kowt, "kung may isang kulang ngayong college sa buhay ko, 'di ung matataas na grades, 'di din ung love life, kundi, next line, next line, next line, next line, next line... TULOG". Sa sobrang pagka-antig ng puso ko sa kowt na 'yun, napa-utot ako. Pero totoo 'yun, sa sobrang pressure na dapat mo matapos ung project mo, kahit isang minuto ang masayang, paghihinayangan mo. Kaya 'yung mga tulog namin ay matatawag mong tulog nalang. Pero ang dami kong natutunan 'nun, natuto akong magsipag lalo, mag-focus sa mga dapat gawin. Natutunan ko din na kahit 2am tumitalaok din ung manok, masyadong advance ung rolex nung manok na 'yun.

Hmmm... May nakakalimutan yata ako...

Hmmm...

'Di pa pala ako nagaaral, type ako ng type dito baka bukas wala akong ma-type sa test paper ko, pangalan ko lang tska section. Minsan nga naiisip ko nalang, lagyan ko kaya ng "100" ung linya para sa score mo sa test. Ano kaya gagawin ng prof ko? Ay ewan, magaaral na ng ako.


Peace Out!

[1]"Kung Ano Nalang Meron" - un kasi ung sinabi ko sa nanay ko nung tinanong niya ko kung ano gusto kong ulam para sa tanghalian. Koneksyon sa post ko?? Syempre... wala.

No comments: