Saturday, April 14, 2007

Mga Kailangan at Gusto, Needs and Wants ika nga...

Eto na ulit ako mga kaibigan, kung may nagbasa nga ba ng blog ko. Ang kwento natin sa madaling araw na 'to ay... bahala na, kung ano nalang matype.

Noong tuesday ng gabi hanggang wednesday ng madaling araw nag-inuman kame ng mga kaklase ko, gran matador on the rocks! Pati pulutan on the rocks na din. Kwentuhan, sayawan, yosi, kwentuhan ulit, tawanan, pag-gago sa isa naming kaklase at kwentuhan na naman, lahat on the rocks na. Sa isang pag-inom ko ng streyt sa isang baso ng ice-cold beer, sinabi ko na para sa girlfriends ng tatlo kong kaklase, sa boyfriend nung isa at isang soon-to-be-bf yata ng isa, para sa minamahal ng ginagago naming kaklase at para kay *toot*, damn, masarap ang beer at nag-wish na sana maging masaya at maayos ang lahat. Naisip ko, kailangan ko na nga ba ng lablayf... hindi pa, gusto ko ba... kung gusto niya. Tangna, madrama.

Kinahapunan ng wednesday, pumunta ako sa bahay ng kaklase ko at inabutan ko silang nanonood ng Grey's Anatomy season 3. Eh di syempre, nanood din ako, walang nagsasalita at walang nagtatanong kahit puno na ng tanong utak ko... "ha? sino ba yan? so sino ang kontrabida jan?". Oo, ako na walang sense at walang alam. After ng isang episode, bumili kame ng isaw, tenga, balunbalunan at barbecue. Bumili din kame ng halo-halo, on the rocks parin. After kumaen, nanood ulit kame, 4 o 5 episodes ata 'yung pinanood namin. At after mapanood ang magandang season 3 ng Grey's Anatomy, narealize ko na, kailangan ko na ng dvd player! Napag-iiwanan na ako ng technology.

Kaninang umaga, nagkaroon kame ng general orientation sa SPi para sa mga natanggap na applicants. Masaya naman, kahit inantok. Ayos din kasi may isang lalaki dun, 'pag tinabihan ko, feeling ko ako si Yao Ming. Minsan lang 'yun, at naging masaya ako sa moment na nag-krus ang landas namin, sa loob ng 3 segundo, naging matangkad ako. Anyway, tama na ang pang-aasar at baka makarma ako, kailangan kong magpakabait at magpakatino para maging maayos ang internship ko sa company na 'yun.

Pauwi na ko kanina at nakasabay ko sa van pauwi ang valedictorian ng lower batch sakin, 2 years younger sakin. Nung pa-exit na kame sa tollgate, in-approach niya ako kung pwede ba siyang makitext kasi na-low bat na siya at kailangan niyang i-text ang mommy niya, magkikita daw sila sa SM Marilao. Ganito ang pagkakasabi niya, "KUYA Emil..." Wow! Matanda na nga ako, gusto ko sanang sabihin na Emil nalang, kaso magalang siya eh, hindi na ko dapat kumontra dun. Ganun nalang inisip ko, ginagalang niya lang ako, pero kasi nga matanda ako sa kanya. Syet. Ang ginawa ko nalang ay pinatagos sa kabilang tenga ko ung word na KUYA, lumabas sa may bintana at nahagip ng truck na nakasalubong ng van. Kaya 'pag kakausapin niya ako, ganito nalang 'yung naririnig ko, "*toot---woooshh* Emil....", ayos na, masaya na ko 'dun.

Basta tumatanda na nga tayo, madami ng nangyayari na nangangailangan ng mas mature na decision at mas wais na diskarte. Kailangang ko nang magsumikap kung gusto kong maging maayos buhay ko at yumaman, kasing yaman ni Tito Donald Trump.


Peace Out!

No comments: