Tuesday, August 22, 2006

Nasasabik sa Unang Araw ng Eskwela..pagtapos ng Prelim Week..Tae..

Nakasakay ako sa jeep pauwi dito sa bahay namin sa marilao, bulacan. Ayun, ng-lrt ako tapos sumakay ng jeep na ang daan ay sa nlex hanggang sm marilao. Tahimik sa jeep at pota di ko alam bakit nung napuno na ung jeep, 3/4 nalang ng pwet ko ung nakaupo, tolerable naman na hindi ako mangangawit pero uncomfy kasi parang singit lang ako. Ayun, nagmuni-muni nalang ako bago ako mapikon at inisip ang school matters.
Nagsimula ung classes ko sa ETAR, Economics, Taxation and Agrarian Reform na hindi ko alam kung bakit may ganun akong subject samantalang comp sci ako. Ayun, eniweiz, 81 out of 100 ako sa prelims dun, pwede na un kaysa sa isa kong kaklase na 47 ung grade. Ayun, like always, bago nya ipamigay yung test papers para sa results, magpapatawa siya by saying na keso may isa syang estudyante na kung anu-ano daw sinasagot, may nagdrawing nalng daw ng road tska bukid instead na magdrawing daw ng graph for rice and road. Ewan ko ha, pero minsan di na ko naniniwala dunm sa oink oink na yun..joke only..ayun..
Next subject ay math, Discrete Mathematics II, matanong nyo kung ano yun, di ko din alam eh, di ko lam gamit nun sa pangaraw-araw na buhay. Di naman pwede na ganito.. "Ma! bayad po ng isang echelon form ng subspace of V" ewan ko, sabi ng kabarkada ko may gamit daw ung subject na un para samin, hanggang nagninilay pa rin ako kung ano ung gamit na yun. Eniweiz, hindi nya binalik ung test papers namin, pero alam ko ng alanganin grade ko kasi pinakita nya ung solution para sa mga tanong at mali ako, umaasa nalang ako sa partial points at sa passing score na 20 out of 50. Pray for me..Amen..
"May malinta exit??" sabi nung mamang tsuper, nasa tollgate na pala kami ng balintawak at puta, napapautot ako. Shit, pano ako uutot eh masikip....
Ang ginawa ko, tumagilid akong konti sabay magtext para di halata, ayun nalabas ko pero tumingin sakin ung katabi ko, shit! pero yaan na, ako lang ba ang umuutot sa loob ng jeep??
Next subject namin at Concepts of Programming Language, wala naman akong reklamo sa results ng test, perfect nga ko sa last quiz eh. Ayun, ang problema eh dati ay kaboses nya lang ung malandi sa pinoy big brother na si say alonzo pero ngayon ok ok na kasi nagiging kaboses na nya si rufa mae quinto na malakas lagi boses. Ayun magrereport pa pala kame dun.
"May malinta exit??!!" sabi ni mamang tsuper, lapit na kami malinta exit at puta nauutot na naman ako. Tangina ano ba meron sa malinta exit..kamote?? Ayun, no choice tatagilid ako uli ngunit ako'y bigo, ayaw lumabas, puta di na pwedeng tumagilid kasi mahuhulog na ko, bahala na...
Puta, bumalik!! basta bumalik! lam ko poisonous un pero hindi naman siguro ako malalason kasi di ko naman palaging pinipigilan utot ko.
Back sa school, next subject ay never mind.. 49 out of 102.. tae bagsak! ok next..
Last subject namin ay Environmental Science, ayun di binalik ung test papers, kasi daw ginagawan pa daw nya ng paraan para pumasa kami, puta kasi magturo sya wag magreport. Ayun buti nalang mataas ako sa last quiz dun..thanks ma'm!
Buti nalang lagpas na sa malinta exit, di na ko nautot. Pero 1/2 pwet nalang nakaupo, ang magaling ko kasing katabi na macho gwapito..puta..
Hanggang dito nalang mga kaibigan..

Peace Out!

No comments: