Alam naman nating malapit na ang pasko, mga ilang araw nalang mula ngayon. Hay, kay bilis ng araw parang kelan lang ung nagbukas ako ng regalo sakin ng mga ate ko tska ung huling reunion ng high school classmates ko.
Eto na naman ang pasko, ramdam mo ang pagdami ng tao sa mall, lalong lalo na sa divisoria at sa 168, madami ang sinisigawan ng mga intsik na tindera na "...Pili na ikaw ale, koya, mura aking tinda.....ha? ano? wala kame hanap mo, pero ganda tinda ko, tibay pa...". Ikwento ko lang ung minsang pumunta ako ng 168, sa 3rd floor nun, pumipili ako ng relo, syempre bibili ako, ayun sabi ng ale, "Eto ganda rero, mickey mouse, P150 may raragyan, P110 pag wara..." anak ng pitong puting tupa, di ko alam kung tatawa ako o hahalakhak, di mo alam kung instik un o hapon eh.
Eto na naman ang pasko, ramdam mo ang pagdalas ng "Message Sending Failed" o "Message Not Sent This Time", lalong lalo na mall na napakadaming tao especiarry sa 168..hehehe. Siguro kasi malapit na pasko kaya ganun, dalawang sim meron ako, parehong hirap mag-send. Pano pa kaya kung araw na talaga ng pasko o new year na.
Eto na naman anf pasko, ramdam mo ang paghina ng service ng SmartBro, anak ulit ng pitong puting tupa, napakabagal ng internet, ggrrr!! Ewan ko kung may connection yun sa pasko, pero nung ibang araw naman na gamit ko ang internet, hindi naman ganun kabagal, hmmm...
Eto na naman ang pasko, ramdam mo ang pagkaubos ng iyong pera at masasabi mo nalang na, "damn man, i'm flat broke!" o di ba, kahit wala ka ng pera, cool parin ang dating mo. Ang konswelo mo nalang sa pagbili ng mga regalo ay ang appreciation na makukuha mo sa mga taong binigyan mo ng regalo, at higit sa lahat, ang regalong matatanggap mo galing sa kanila, hay, lakas kong umasa, kapal din ng mukha ko eh.
Sana lahat ng tao ay maging maligaya ngayong dadating na pasko, ung makita mong nakangiti sila, solve ka na eh, ayos na. Sana maging maayos lahat ng problema, sana lahat ay maging happee.
Hanggang dito nalang mga kaibigan, tuloy ko na ang pinakamagandang regalo na matatanggap mo galing sa mga professors mo, /* sarcastic */ ,project at case study na ang deadline ay pag-resume ng classes next year.
Peace Out!
Sunday, December 17, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment