Kaninang nasa LRT ako pauwi... may nakasabay akong isang babae..mga 40-45 years old..tapos isang lalaki mga 25 years old siguro..ayun...akala ko naman magka-officemates o friends lang...tapus nung naupo ako...nakita ko silang magka-holding hands...hmmm..napaisip ako..
(ndi ko naman sinulat to para lang manyismis...eh sadyang observant lang ako ngayon kasi boring ang buhay...napapansin ko tuloy buhay ng ibang tao..)
Tapos may mala-brokeback mountain din dun...kasi medyo nakasandal ung isang lalaki dun sa kasama nyang lalaki..medyo lang naman eh..tapos parang ung katabi kong babae lumayo nung umupo ako..ewan ko..nafeel ko tuloy ambaho ko kasi nga ang init..pawis na ko..inamoy ko sarili ko..di naman..eniweiz..
Kyuryus lang talaga ako..ano kaya feeling pag naging ganun buhay ko..ung di tulad ng buhay ko ngayon..pano kaya kung ako ung batang nanghihingi ng barya sa mga bumibili ng MRT ticket na may tatoo sa braso...ang gara lang...
Kung maging katulad kaya ako nung namimigay ng flyers sa may EDSA pag tumanda na ko...takot akong maging ganun...at syempre hindi ko naman hahayaang maging ganun buhay ko...masaya ako sa buhay ko..bored lang...kaya ako siguro kyuryus sa buhay ng may buhay...
PS: Bad trip pag nakasakay ka sa masikip na jeep tapos yung katabi mo nagtetext..tapos ung siko nya nakatusok sa bewang mo..isa sa mga putang inang bagay na ayaw ko..
Peace Out!
Monday, October 23, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment