Sunday, April 29, 2007

Bago matulog...

Kinuha ko lang galing sa mga nagpost sa tag board ko:

"Mas maingay talaga ang mga salitang hindi masabi..."

"...Sana sa sobrang ingay, marinig na niya"

Mga matalinhagang salita na nabasa ko bago ako matulog. Natanong ko lang sarili ko, posible kayang naririnig(nararamdaman) na niya pero di lang niya pinapansin o pilit na 'di pinakikinggan dahil sa kanya kanyang kadahilanan. Ah ewan ko, minsan sa sobrang layo ng katayuan namin, imposible nang magtagpo pa kami sa iisang lugar. Parang ako ang Milky Way, siya ang Andromeda na kahit kailan 'di pwedeng matagpuan sa isang space zone. "Impossible is nothing" ika nga ng Adidas, "Impossible is zero" ika nga ni Gilbert Arenas, pero andyan parin ang mga salitang "not meant for you" at "pangit ka, 'di ka pwedeng maging bida sa telenobela". Aasa na nga lang ako sa tadhana, hihintaying marinig ang "It's my destiny" ika nga ni Hiro Nakamura. Ah ewan ko ulit, matutulog na nga lang ako. Hahaha! Madramang gabi sa inyong lahat!!


Peace Out!

Salamin

Ano naman napala mo ngayon? As usual, wala no? Sinasabi ko na sa'yo dati pa na magseryoso ka naman paminsan minsan. Lagi ka nalang kasing ganyan eh kaya walang nangyayari sa inyo.

Dinadaan mo lang sa biro lahat ng gusto mong sabihin. Puro ka joke, joke 'pag naglalakad, joke 'pag kumakain, joke pauwi, joke lang lagi. Isa kang malaking joke kung alam mo lang. Para kang artistang 'di naman dapat maging artista, banda na sikat na hindi naman magaling, mga tao sa big brother house, mga politikong magaling lang 'pag nangangampanya. Lahat sila joke sa lipunan, kasama ka na sa kanila ngayon.

Ano ba gusto mong iparating sa kanya sa mga ginagawa mo? Inuunahan mo na siyang wala lang 'yun. Dahilan doon, dahilan dito. Palusot doon, palusot dito. Siguro try mong baligtarin ang suot mo, tapos ibitin mo sarili mo ng patiwarik, baka dahil 'dun masabi mo na kung ano ba talaga nararamdaman mo, hindi ung mga antonym 'nun. 'Wag ka ng sinungaling pare ko, masama 'yan. Dinagdagan mo lang ng insulto ang katauhan ni katorpehan.

Oo, gusto mo siyang maging masaya 'pag magkasama kayo pero dadating ang panahon na aaminin mo din na mahal mo siya. At dahil nasanay siyang mapagbiro ka, hindi seryoso at makulit, sa tingin mo maniniwala siya sa sasabihin mo. Makukuha ka kaya niyang seryosohin.....

Bahala ka na, kung ano man maging ending, kung maging comedy o tragedy 'yun, magkatuluyan man o hindi ang mag-love team, hindi ka naman mamamatay eh. Alam nating nabubuhay lagi ang bida hanggang matapos ang telenobela. Habang may buhay. may pag-asa ika nga.

Saturday, April 14, 2007

Mga Kailangan at Gusto, Needs and Wants ika nga...

Eto na ulit ako mga kaibigan, kung may nagbasa nga ba ng blog ko. Ang kwento natin sa madaling araw na 'to ay... bahala na, kung ano nalang matype.

Noong tuesday ng gabi hanggang wednesday ng madaling araw nag-inuman kame ng mga kaklase ko, gran matador on the rocks! Pati pulutan on the rocks na din. Kwentuhan, sayawan, yosi, kwentuhan ulit, tawanan, pag-gago sa isa naming kaklase at kwentuhan na naman, lahat on the rocks na. Sa isang pag-inom ko ng streyt sa isang baso ng ice-cold beer, sinabi ko na para sa girlfriends ng tatlo kong kaklase, sa boyfriend nung isa at isang soon-to-be-bf yata ng isa, para sa minamahal ng ginagago naming kaklase at para kay *toot*, damn, masarap ang beer at nag-wish na sana maging masaya at maayos ang lahat. Naisip ko, kailangan ko na nga ba ng lablayf... hindi pa, gusto ko ba... kung gusto niya. Tangna, madrama.

Kinahapunan ng wednesday, pumunta ako sa bahay ng kaklase ko at inabutan ko silang nanonood ng Grey's Anatomy season 3. Eh di syempre, nanood din ako, walang nagsasalita at walang nagtatanong kahit puno na ng tanong utak ko... "ha? sino ba yan? so sino ang kontrabida jan?". Oo, ako na walang sense at walang alam. After ng isang episode, bumili kame ng isaw, tenga, balunbalunan at barbecue. Bumili din kame ng halo-halo, on the rocks parin. After kumaen, nanood ulit kame, 4 o 5 episodes ata 'yung pinanood namin. At after mapanood ang magandang season 3 ng Grey's Anatomy, narealize ko na, kailangan ko na ng dvd player! Napag-iiwanan na ako ng technology.

Kaninang umaga, nagkaroon kame ng general orientation sa SPi para sa mga natanggap na applicants. Masaya naman, kahit inantok. Ayos din kasi may isang lalaki dun, 'pag tinabihan ko, feeling ko ako si Yao Ming. Minsan lang 'yun, at naging masaya ako sa moment na nag-krus ang landas namin, sa loob ng 3 segundo, naging matangkad ako. Anyway, tama na ang pang-aasar at baka makarma ako, kailangan kong magpakabait at magpakatino para maging maayos ang internship ko sa company na 'yun.

Pauwi na ko kanina at nakasabay ko sa van pauwi ang valedictorian ng lower batch sakin, 2 years younger sakin. Nung pa-exit na kame sa tollgate, in-approach niya ako kung pwede ba siyang makitext kasi na-low bat na siya at kailangan niyang i-text ang mommy niya, magkikita daw sila sa SM Marilao. Ganito ang pagkakasabi niya, "KUYA Emil..." Wow! Matanda na nga ako, gusto ko sanang sabihin na Emil nalang, kaso magalang siya eh, hindi na ko dapat kumontra dun. Ganun nalang inisip ko, ginagalang niya lang ako, pero kasi nga matanda ako sa kanya. Syet. Ang ginawa ko nalang ay pinatagos sa kabilang tenga ko ung word na KUYA, lumabas sa may bintana at nahagip ng truck na nakasalubong ng van. Kaya 'pag kakausapin niya ako, ganito nalang 'yung naririnig ko, "*toot---woooshh* Emil....", ayos na, masaya na ko 'dun.

Basta tumatanda na nga tayo, madami ng nangyayari na nangangailangan ng mas mature na decision at mas wais na diskarte. Kailangang ko nang magsumikap kung gusto kong maging maayos buhay ko at yumaman, kasing yaman ni Tito Donald Trump.


Peace Out!

Sunday, April 08, 2007

Selfone

Ngayong gabi madilim dito, walang ilaw, brownout sa aking mundo... Nakahiga ako ngayon sa kama ko, tanging tunog lang ng electric fan ang naririnig, madilim, ilaw lang ng cellphone ang magpapaliwanag ngayon sa kwarto ko, 'yun ay kung magtetext ka. Umaasa, nag-iisip kung mayroon pa ba akong pwedeng gawin kundi maghintay.

Dahil katulad mo, ako rin ay nagbago, 'di na tayo tulad ng dati, kay bilis ng sandali... Wala akong balak noon na pumasok sa buhay mo, maging ka-close ka at maging kabarkada. Oo, kakilala nga kita pero 'di kita kakausapin hanggang 'di mo din ako kakausapin, vice-versa. Marami rin akong kwentong narinig galing sa kaibigan mo tungkol sa'yo at hindi magaganda 'yun at wala akong pakialam doon, 'di naman kasi kita ka-close. Pero ang baduy nga naman ng tadhana paminsan-minsan, dahil sa isang quote sa text nagbago lahat. Nagreply siya, gumawa siya ng isang argument at ako namang ma-pride din, sinagot ko ung argument na 'yun. One argument after the other, hanggang sa magka-biruan at magka-gaguhan kami. Masaya ang usapang 'yun na sinundan pa ng ibang usapan sa text at sa telepono. In short, naging close kami, sobrang close friends.

Minsan tayo'y naiwan, walang ibang kasama ngunit nang ikaw ay kaharap ko na, 'di ko masabing mahal kita... Naging madalas ang pagpunta natin ng mall, pagtambay sa bahay, pagkanta sa videoke, paglaro sa arcade at pagkain ng magkasama. Lahat ng iyon naging masaya tayo, hanggang sa paguwi nating dalawa, wala tayong ginawa kundi magkwentuhan at magbiruan. Hanggang umiral na naman ang kabaduyan ng tadhana, narealize ko nalang na mahal na pala kita at umaasang ganoon din nararamdaman mo sa akin. Pero isang gabi na pauwi na tayong dalawa, nakatingin ako sa'yo pero nakatingin ka sa isang lalaki. Parang nakita ko na ang ganung klase ng tingin... aha! ganyan ang mga klase ng tingin ko sa'yo. Talo na ko, ano ba laban ko sa isang gwapo, matangkad at mukhang mayaman na tulad niya. Ang pinanghahawakan ko lang ay ang nararamdaman ko para sa'yo, at hindi ko alam kung sapat na ba iyon para sa preferences mo. Buong biyahe natin pauwi di ako nagsasalita, tinatanong mo ako kung bakit ako ganyan, naninibago ka sakin. Ito na siguro ung pagkakataon para sabihin kung ano ba talaga nararamdaman ko para sa'yo, pero mas pinili ko pang sabihin na ewan ko, na matutulog nalang ako kasi wala akong tulog kakagawa ng projects. Nanahimik ka nalang. Ganun din ako. Mas maayos pa nga siguro kung manahimik nalang ako kesa magpaliwanag pa ko.

Ngayong gabi madilim dito, walang ilaw, brownout sa aking mundo. Sa init naiinip, sa dilim nangangapa, naalala tuloy kita... Umaasa, nag-iisip kung mayroon pa ba akong pwedeng gawin kundi maghintay, maghintay ng pagkakataon kung kelan hindi na dadagain ang dibdib ko, maghintay sa isang pagkakataon na hindi na dadating, talo na ko. Tumunog ang cellphone ko, kasabay ng pagtilaok ng manok. Umaga na pala at nagtext ka.

"good morning...ano na namang kadramahan ung kagabi ha? hehehe...sabay tayo umuwi mamya ah..ha? ha? ha?"

"wala lang yun...sinumpong lang...meron ako eh...sige sabay tayo mmya sunduin kita..=p"


Maya-maya lang ay may ilaw na, pero sana ay malaman mo. Magka ilaw man madilim pa rin, magka ilaw man madilim pa rin kung wala ka...
"Sige sabay tayo mamaya..." sinabi ko na naman 'yun, isang araw na namang lulong sa panaginip. Lubog sa lupa, halik sa hangin. Hindi ko na alam kung ano na ang mga susunod pang mangyayari. Malabo parin, nagmamakaawa na 'wag umiral ang kabaduyan ng tadhana.


Paalala: Pasensya na Parokya ni Edgar at Sugarfree, ginamit ko lyrics ng kanta ninyo. Maraming Salamat! Suportahan ang musikang Pilipino!!

Ang naturang gawa ay kathang isip lamang, kahit anong pangyayari na nasulat na may pagkakahawig sa totoong buhay ng isang tao ay hindi sinasadya. Kung ayaw ninyong maniwala, eh 'di 'wag! hmfnez! =>



Peace Out!

Thursday, April 05, 2007

Bumalik sa Pagkabata...

Astig 'tong kantang 'to, nadownload ko sa LimeWire ung mp3, brings back the memories ng kapanahunan nila Shaider, Machine Man, Voltes V at Bioman. Tumatanda na nga tayo, kaya kanta na!!

Paki-play muna ang kanta at tska ninyo sabayan ng kanta gamit ang lyrics sa ibaba.



Maskman Opening Theme

Hikari Sentai Maskman!

I.
Humanda na kayo
Kampon ng kadiliman
Oras na ng pagtotoos
Kasamaaan niyo’y dapat matapos

Narito na sila
Bayaning tagapangtanggol
Sa masama’y lilipol

Chorus:
Maskman
Kayo lang ang pagasa
Iligtas kami sa marahas na kadiliman
Kami’y inyong ipaglaban

Sigi!(2x) laban Maskman
Ipagtangggol ang kapayapaan
Sugud!(2x) laban Maskman
Ipagsanggalang ninyo ang katarungan

Buong mundo’y magpupuri’t magpupugay mabuhay
Laser Squadron Mas…ku…man!!

(Isang Malupit na Instrumental...Yeah!)

(Repeat I)
(Repeat Chorus 2x)

Tuesday, April 03, 2007

Sa Mata ng isang Tanga

Isang malaking cliche sa mundo ang pagiging torpe, ika nga nung isang kowt na natanggap ko kanina..."wala sigurong taong matatawag na manhid kung lahat tayo kayang aminin ang totoong nararamdaman natin". May point siya dun, natatakot sabihin, natatakot umamin dahil sa mga naiisip na consequences kaya nagpapakamanhid nalang at nagpapakatanga nalang.

Isa sa mga strengths ko ay ang magpakatanga. Ang galing galing ko dyan, promise! Paturo kayo kung gusto nyo ha. Putang inang yan. Gawin nating example ay ang pagibig, sa pagibig gagawin mo lahat para mapasaya ang taong gusto mo pero hindi niya alam kasi nga torpe ka. Gagastos ka, gugulin mo oras mo sa kanya, magno-novena ka, magpu-prusisyon ka, at higit sa lahat magpapapako ka sa krus para lang sa kagustuhan mong mapansin at magustuhan ka niya, in short "martir" ka na. Kung sino ang hindi pa nagpaka-martir, swerte kayo, kung sino ung nagpaka-martir na taas ang mga kamay! Ako muna magiging representative nyo kung ok lang.

Naranasan ko na ang bagay na yun, ang sakit, ouchnez ika nga. Lalo na pag sasabihin sayo, may gusto siyang tao...*pagasa! pagasa! baka ako yun*... at hindi ikaw. Kamalas-malasan din minsan pagdating sa love life. Pero sabi nga nila, "you deserve someone better...", magtiwala ka nalang dun at magkakaroon ka na ulit ng pagasa siguro.

Kung nahahalata mo naman na hindi worth it ang ginagawa mo at magiging mas productive pa ang buhay mo kung sa ibang bagay, e di itigil mo na ang kagaguhang iyon at get a life. Masakit pero ganun talaga eh, part of growing up ika nga ulit. Wag ka lang bibitaw ng kapit, general rule of thumb yan, ayos di ba.

Napapansin ko madadrama ang mga huling post ko dito sa blog ko. Eto na ata ung withdrawal syndrome ko pag hindi na ko nakakapag-panigarilyo. Naghahanap na din katawan ko ng alcohol na maiinom, mga kaklase! inuman na tayo! please!!


Peace Out!

Monday, April 02, 2007

SPI na nga ba...

Nag-iisip ako 'nun na ang tatlong letra na magpapabago ng buhay ko ay O-J-T. Hindi pa kasi ako sigurado kung saang company makakakuha ng OJT, samu't saring kompanya na ang pinasahan ko ng resume, mapa-job fair sa UST, mapa-online submission o walk-in sa bawat building sa Makati. Ngunit ngayong araw na 'to, nabago ng panibagong tatlong letra hinaharap ng buhay ko, 'di pa sure pero sana nga eto na..eto na..eto na...waaahhh!! S-P-I.

Nakapasok na ang dalawa kong friends sa SPI, sa MIS sila na-assign, matapos ang dalawang madugo-dugong interview. Bukas ko malalaman kung pasok ba kame nung isa kong friend dun, either daw sa Networking o Systems kame ilalagay. Isang session nalang ng interviews at malalaman ko na ang kapalaran ko ngayong summer. "Walang iwanan 'to, sama-sama kaming apat dun", ito ung sinasabi ko sa sarili ko. Kaya natin to kaibigang James! Hawak kamay! Hawak Bewang! --Ayvan.

Hanggang sa muli, wish us luck mga kaibigan! Matutulog na ko para makapag-pahinga na ang aking katawan.


Peace Out!