Tuesday, December 19, 2006

Dragon Force - Through The Wire

This band has the techniques, the rhythm, clarity and showmanship...

Pero wla silang style, baduy ang video pero potek ang guitar solo at drum line...

Ang mga guitarist nila ay naimpluwensyahan ni Yngwie Malmstein dahil sa kanilang classical riffs at licks at ni Michael Angelo Bation dahil sa kanilang showmanship techniques, sweeping at matinding shred...

Panoorin ang Instruemntal Part...Peace Out!

Sunday, December 17, 2006

Hosana, Pasko na Naman...

Alam naman nating malapit na ang pasko, mga ilang araw nalang mula ngayon. Hay, kay bilis ng araw parang kelan lang ung nagbukas ako ng regalo sakin ng mga ate ko tska ung huling reunion ng high school classmates ko.
Eto na naman ang pasko, ramdam mo ang pagdami ng tao sa mall, lalong lalo na sa divisoria at sa 168, madami ang sinisigawan ng mga intsik na tindera na "...Pili na ikaw ale, koya, mura aking tinda.....ha? ano? wala kame hanap mo, pero ganda tinda ko, tibay pa...". Ikwento ko lang ung minsang pumunta ako ng 168, sa 3rd floor nun, pumipili ako ng relo, syempre bibili ako, ayun sabi ng ale, "Eto ganda rero, mickey mouse, P150 may raragyan, P110 pag wara..." anak ng pitong puting tupa, di ko alam kung tatawa ako o hahalakhak, di mo alam kung instik un o hapon eh.
Eto na naman ang pasko, ramdam mo ang pagdalas ng "Message Sending Failed" o "Message Not Sent This Time", lalong lalo na mall na napakadaming tao especiarry sa 168..hehehe. Siguro kasi malapit na pasko kaya ganun, dalawang sim meron ako, parehong hirap mag-send. Pano pa kaya kung araw na talaga ng pasko o new year na.
Eto na naman anf pasko, ramdam mo ang paghina ng service ng SmartBro, anak ulit ng pitong puting tupa, napakabagal ng internet, ggrrr!! Ewan ko kung may connection yun sa pasko, pero nung ibang araw naman na gamit ko ang internet, hindi naman ganun kabagal, hmmm...
Eto na naman ang pasko, ramdam mo ang pagkaubos ng iyong pera at masasabi mo nalang na, "damn man, i'm flat broke!" o di ba, kahit wala ka ng pera, cool parin ang dating mo. Ang konswelo mo nalang sa pagbili ng mga regalo ay ang appreciation na makukuha mo sa mga taong binigyan mo ng regalo, at higit sa lahat, ang regalong matatanggap mo galing sa kanila, hay, lakas kong umasa, kapal din ng mukha ko eh.

Sana lahat ng tao ay maging maligaya ngayong dadating na pasko, ung makita mong nakangiti sila, solve ka na eh, ayos na. Sana maging maayos lahat ng problema, sana lahat ay maging happee.
Hanggang dito nalang mga kaibigan, tuloy ko na ang pinakamagandang regalo na matatanggap mo galing sa mga professors mo, /* sarcastic */ ,project at case study na ang deadline ay pag-resume ng classes next year.

Peace Out!

Sunday, December 03, 2006

Ibig Pag Mahal

Mayroon akong koleksyon ng kwento ng iba't ibang klase ng kwento ng pagibig dito sa utak ko galing sa mga kaibigan ko. Magaan lang talaga siguro loob nila sakin para ikwento nila sakin un o di kaya masyado silang malungkot o masaya na kailangan na hindi pwedeng palipasin ang isang minuto ng walang makekwentuhan.
Ganun talaga siguro pag pag-ibig na paguusapan, may kanya kanyang inspiration sa buhay, kanya kanyang lungkot, kanya kanyang iyak at tulo ng uhog, kanya kanyang sakit, kanya kanyang ngiti ng kawalan kahit may tinga, ung mga ganung tipo. Ganun kalakas ung hatak ng love ika nga ng nagsulat. Kaya ka nitong palutangin, parang David Blaine, kaya ka nitong gawing baliw, para paring si David Blaine at kaya ka nitong paiyakin ng sobra na hihilingin mo sana di ka na nagmahal.
Ganun talaga ang pag-ibig, parte ng buhay yan, ika nga ni Morrie Schwartz, "Love or else you'll perish". Taena, sino ba ang mabubuhay ng walang nagmamahal at minamahal. Ang hirap nun, what if naghihingalo ka na, kung walang nagmamahal sayo, walang magaalaga sayo at mamatay ka nalang jan, 'nak ka ng lelang mo.
Pag ako nagmahal <*applause*> , bilang alagad ng musika, masusulatan ko ng kanta kung sino man ung babaeng yun. Hindi galing sa utak ung salita at tono, kusang lumalabas nalang, parang instincts lang <*applause ulit*>. Mahirap magmahal, kung di ka sanay magtake ng risks, taena, lalo na pag nagka-traumatic experience ka, whew!
Pero kung ano pa man yang naranasan o nararanasa pagdating sa pag-ibig, maging masaya tayo, dahil naranasan na natin ung ganung pakiramdam, natuto tayo sa ganung karanasan, at makakaranas pa tayo ng iba pang bagay bagay. Masarap magmahal at mahalin kaibigan, talagang nakaka-high, like you'll be touching the sky!! woooO! <*hithit ng rugby*>

Peace out!

Friday, December 01, 2006

Stone Sour - Through Glass

I'm looking at you through the glass
Don't know how much time has passed
Oh God it feels like forever
But no one ever tells you that forever
Feels like home
Sitting all alone inside your head

How do you feel, that is the question
But I forget, you don't expect an easy answer
When something like a soul becomes initialized And folded up like paper dolls and little notes
You can't expect a bit of hope
So while you're outside looking in
Describing what you see
Remember what you're staring at is me

'Cause I'm looking at you through the glass
Don't know how much time has passed
All I know is that it feels like forever
But no one ever tells you that forever
Feels like home, sitting all alone inside your head

How much is real, so much to question
An Epidemic of the mannequins
Contaminating everything
We thought came from the heart
It never did right from the start
Just listen to the noises
(No more sad voices)
Before you tell yourself
It's just a different scene
Remember its just different from what you've seen

I'm looking at you through the glass
Don't know how much time has passed
And all I know is that it feels like forever
But no one ever tells you that forever
Feels like home, sitting all alone inside your head

'Cause I'm looking at you through the glass
Don't know how much time has passed
And all I know is that it feels like forever
But no one ever tells you that forever
Feels like home, sitting all alone inside your head

And it's the stars
The stars that shine for you
And it's the stars
The stars that lie to you

Sunday, November 26, 2006

Mr. Big - Burn (Instrumental) Deep Purple Cover





Katamad magsulat eh..kaya videos nalang muna...=>

Monday, November 20, 2006

Monday, November 13, 2006

Istorya ng Isang Kaibigan...

" Pinaghintay mo na naman ako, ilang oras na kong nakatayo sa meeting place natin, di ka nagrereply sa mga text ko...

Mukha na kong tanga, nagpapakamartir sa lahat ng bagay basta para sayo. Ginagawa ko lahat basta makita ka lang kahit alam kong magmumukha lang akong gago...

Ang masama dun parang tanggap ka lang ng tanggap, hindi mo man lang naa-apreciate ung mga ginagawa ko...

Siguro wala lang ako sa'yo, ok na, tama na, masyado ng magaan buhay mo dahil sakin...

Matanda ka na, bahala ka na sa buhay mo... "

Sunday, November 12, 2006

Ngayong Oras Na To...

Ngayong oras na to..naisipan ko lang na magpost dito sa blog ko...

Malungkot ang buhay, isa akong indecisive na tao...may tugtog kame sa saturday sa ortigas, walang practice...pero ok lang sa kanila na tumugtog dun...di ko alam gagawin ko kung maaasar ako o matutuwa...di ko alam kung magprapractice ako o tutunganga nalang...

Kakatapos ko lang manood ng The Exorcist, aliw lang kasi nakakatakot din siya kahit paano...labo lang ng ending kaya ang gara...nakakabitin...

Katext ko kaibigan ko, ayun malungkot din, love life ang storya...no comment nalang ako...

Nakikinig ako sa mga mp3's kong maingay...para ung aura ng kwarto ko galit...kasi kanina masaya ako kaya backstreet boys tska n'sync tugtog dito...ung tipong nakakabading...

Sa tuesday babalik na naman ako sa malungkot na dorm, na wala na kong ginawa kundi manood sa mga tao sa street ng Antonio...pero masasanay din ako dun...pag naging busy na sa school..di ko na mapapansin na boring pala ung lugar na yun...

Kaya ako ganito kasi naguguluhan ako halos sa lahat ng bagay...di ko alam gagawin ko...

ahh..papanoorin ko nalang uli ung jollibee scandal...para matawa naman ako ng ganito...hehehe...

Peace Out!!

Friday, November 03, 2006

Slipknot - Before I Forget

This is a cool song by Slipknot, galing sa album nilang Subliminal Verses...

Cool ung song kasi melodic tapos ganda ng progression...

Tsaka ung soft-pop-metal na bridge...

Cool din ung video kaya panoorin nyu...di sila nakamaskara...



Thursday, November 02, 2006

My PhD-Certified Personality Test Summary

Nagtake ako ng test dahil nga wala akong magawa at inferness totoo ung mga pinagsasabi sa summary report ng test. Eto un:


Emil, your Personality Summary


Key Areas of your Personality

Your personality stands out from the average person's particularly in the areas of:

Your High Curiosity Level
Your Low Distractibility
Your High Empathy/ Sensitivity Level

One chapter of your 100-page Personality Report is dedicated to how you compare to the average woman and the average man in the 8 main areas of personality, and how this affects the way that people interact with you.


Subset of your Personality Measurement:



Your personality is made up of a unique pattern of traits. These traits impact the way you think, feel, and behave on an everyday basis. In your report you will read a detailed explanation of each of your core personality traits, including your strengths and challenge points.

Your Interaction Style:

You scored 60 in the area of extroversion/ introversion, which means that your energy is directed primarily outward towards other people and things - rather than inward. You don't mind being alone, but you feel most energized and inspired when you are around other people. Your mixed extroversion/ introversion tendency affects your learning style: For example, it is more effective for you to listen to a person explain something than it is for you to read about it on your own.

Social patterns: You are right-brained when it comes to interacting with people and recognizing emotions in other people.

What does this mean? Since there is a 'cross-over' in the human brain for visual information, it means that you tend to focus on the left side of a person's face when you want to figure out what they are thinking and feeling.

Hearing preferences are an interesting exception to this right-left crossover rule. For example, if two people were talking behind a closed door and you needed to put your ear on the door to eavesdrop, it's likely that you would use your right ear instead of your left.

This Personality Summary is based on only 2 out of the 32 personality dimensions we measured in the questionnaire. Your 100-page Personality Report is based on all 32 dimensions and will give you and in-depth analysis of your unique personality.

Knowing yourself better will help you lead a happier and more successful life:



Ayun...2 out of 32 personality dimensions ko palang daw yan at ang 100 page (yun buong 32 dimensions) Personality Report ko ay mabibli sa halagang $29.95, inuulit ko $29.95...order now!!

Tae..pero inferness totoo..

eniweiz eto ung site: http://www.personality100.com

Peace Out!

Wednesday, November 01, 2006

Sorry...

Sorry..We had this misunderstanding awhile ago...

Got my ego again busting in the situation...

I'm very sorry...i really do...

Alam kong nasaktan kita kasi pumatol na naman ako...

Sorry talaga...

I love you so much...

November 1 na...

Happy Halloween para sakin...may mga taong galit sakin. I'm very sorry...

Malupit nga ang mundo...

Pray lang tayo ngayong araw ng mga patay...

Peace Out!

Tuesday, October 31, 2006

Malupit na Mundo....

Nagkita kita kame ng mga kaibigan ko, sinabi nila bakit daw parang wala akong gana, bagsak daw ang aking mukha. Sinabi ko lang.."Malupit ang mundo, muntikan na kong magpaalam..."

Sabi nila, "Gago! gusto mo batukan ka namin para magising ka!"

Huwag ko daw dibdibin ang problema, maghappy - happy daw kame...

Sabi ko.."Ayoko wala akong gana.."

Sabi ng isa kong kaibigan.."May kakilala akong makakatulong sayo..ito ang video nya..hanapin mo sa may riles sa may atin..siya si Boy Baby.."

Eto ang video na nakita ko:





Malupit hindi ba?!

Pagpasensyahan nyo na ang walang magawa sa bahay...nakakamatay kasi ang boredom.

Peace Out!

Saturday, October 28, 2006

Irony...

Some things are better left unsaid, undone and unnoticed....

Than to lose someone very close to your heart...

This time, i'll do things right...

I don't want to lose you...

Monday, October 23, 2006

Eklabuh sa Buhay ni Emil Edward Caisido

Kaninang nasa LRT ako pauwi... may nakasabay akong isang babae..mga 40-45 years old..tapos isang lalaki mga 25 years old siguro..ayun...akala ko naman magka-officemates o friends lang...tapus nung naupo ako...nakita ko silang magka-holding hands...hmmm..napaisip ako..

(ndi ko naman sinulat to para lang manyismis...eh sadyang observant lang ako ngayon kasi boring ang buhay...napapansin ko tuloy buhay ng ibang tao..)

Tapos may mala-brokeback mountain din dun...kasi medyo nakasandal ung isang lalaki dun sa kasama nyang lalaki..medyo lang naman eh..tapos parang ung katabi kong babae lumayo nung umupo ako..ewan ko..nafeel ko tuloy ambaho ko kasi nga ang init..pawis na ko..inamoy ko sarili ko..di naman..eniweiz..

Kyuryus lang talaga ako..ano kaya feeling pag naging ganun buhay ko..ung di tulad ng buhay ko ngayon..pano kaya kung ako ung batang nanghihingi ng barya sa mga bumibili ng MRT ticket na may tatoo sa braso...ang gara lang...

Kung maging katulad kaya ako nung namimigay ng flyers sa may EDSA pag tumanda na ko...takot akong maging ganun...at syempre hindi ko naman hahayaang maging ganun buhay ko...masaya ako sa buhay ko..bored lang...kaya ako siguro kyuryus sa buhay ng may buhay...

PS: Bad trip pag nakasakay ka sa masikip na jeep tapos yung katabi mo nagtetext..tapos ung siko nya nakatusok sa bewang mo..isa sa mga putang inang bagay na ayaw ko..

Peace Out!

Sunday, September 17, 2006

It's been a while...

too busy in school...

tae...aral lang ng aral...

ayos lang..konting tiis lang..lapit na din ang vacation..

pannorin nyo to..ang winner ng rockstar supernova...

lukas rossi...tae...pero maganda naman ung original song nya...

eto yun...panoorin nyu...

Sunday, August 27, 2006

Fucked up life..

Can't send any message to my girlfriend...

I don't hav emy own load...

Hope she's now sleeping..i love you..

Just watch the video..its just i'm so fucked up now...



Tuesday, August 22, 2006

Nasasabik sa Unang Araw ng Eskwela..pagtapos ng Prelim Week..Tae..

Nakasakay ako sa jeep pauwi dito sa bahay namin sa marilao, bulacan. Ayun, ng-lrt ako tapos sumakay ng jeep na ang daan ay sa nlex hanggang sm marilao. Tahimik sa jeep at pota di ko alam bakit nung napuno na ung jeep, 3/4 nalang ng pwet ko ung nakaupo, tolerable naman na hindi ako mangangawit pero uncomfy kasi parang singit lang ako. Ayun, nagmuni-muni nalang ako bago ako mapikon at inisip ang school matters.
Nagsimula ung classes ko sa ETAR, Economics, Taxation and Agrarian Reform na hindi ko alam kung bakit may ganun akong subject samantalang comp sci ako. Ayun, eniweiz, 81 out of 100 ako sa prelims dun, pwede na un kaysa sa isa kong kaklase na 47 ung grade. Ayun, like always, bago nya ipamigay yung test papers para sa results, magpapatawa siya by saying na keso may isa syang estudyante na kung anu-ano daw sinasagot, may nagdrawing nalng daw ng road tska bukid instead na magdrawing daw ng graph for rice and road. Ewan ko ha, pero minsan di na ko naniniwala dunm sa oink oink na yun..joke only..ayun..
Next subject ay math, Discrete Mathematics II, matanong nyo kung ano yun, di ko din alam eh, di ko lam gamit nun sa pangaraw-araw na buhay. Di naman pwede na ganito.. "Ma! bayad po ng isang echelon form ng subspace of V" ewan ko, sabi ng kabarkada ko may gamit daw ung subject na un para samin, hanggang nagninilay pa rin ako kung ano ung gamit na yun. Eniweiz, hindi nya binalik ung test papers namin, pero alam ko ng alanganin grade ko kasi pinakita nya ung solution para sa mga tanong at mali ako, umaasa nalang ako sa partial points at sa passing score na 20 out of 50. Pray for me..Amen..
"May malinta exit??" sabi nung mamang tsuper, nasa tollgate na pala kami ng balintawak at puta, napapautot ako. Shit, pano ako uutot eh masikip....
Ang ginawa ko, tumagilid akong konti sabay magtext para di halata, ayun nalabas ko pero tumingin sakin ung katabi ko, shit! pero yaan na, ako lang ba ang umuutot sa loob ng jeep??
Next subject namin at Concepts of Programming Language, wala naman akong reklamo sa results ng test, perfect nga ko sa last quiz eh. Ayun, ang problema eh dati ay kaboses nya lang ung malandi sa pinoy big brother na si say alonzo pero ngayon ok ok na kasi nagiging kaboses na nya si rufa mae quinto na malakas lagi boses. Ayun magrereport pa pala kame dun.
"May malinta exit??!!" sabi ni mamang tsuper, lapit na kami malinta exit at puta nauutot na naman ako. Tangina ano ba meron sa malinta exit..kamote?? Ayun, no choice tatagilid ako uli ngunit ako'y bigo, ayaw lumabas, puta di na pwedeng tumagilid kasi mahuhulog na ko, bahala na...
Puta, bumalik!! basta bumalik! lam ko poisonous un pero hindi naman siguro ako malalason kasi di ko naman palaging pinipigilan utot ko.
Back sa school, next subject ay never mind.. 49 out of 102.. tae bagsak! ok next..
Last subject namin ay Environmental Science, ayun di binalik ung test papers, kasi daw ginagawan pa daw nya ng paraan para pumasa kami, puta kasi magturo sya wag magreport. Ayun buti nalang mataas ako sa last quiz dun..thanks ma'm!
Buti nalang lagpas na sa malinta exit, di na ko nautot. Pero 1/2 pwet nalang nakaupo, ang magaling ko kasing katabi na macho gwapito..puta..
Hanggang dito nalang mga kaibigan..

Peace Out!

Sunday, August 20, 2006

Rock On Mga Repapeeps!

"Release the rocker spirit within me..."

"Lol!!.."

wala lang...wala lang malagay..

Just watch the video...

Peace Out!



Just Woke Up..

Just thought of quiting, just thought of giving up, just thought of leaving someone behind, our fights have been cliches, same arguments were said and we just blame each other for their own faults. I love our relationship and i do love her, its just that people do get sick of the same things that happen again and again.

Sometimes you just have to give up everything, like your pride, your freedom and face the responsibility in order not to lose someone that important to you. Inspite of the pain, I love her, no questions asked, and I think that's enough to hold on to this relationship. I miss her smile and I wanna see it, I miss her voice and I wanna hear it.

I just sang last Wednesday, "...and I'm gonna be lonely for the rest of my life..." and I prove to myself that i'm wrong. It seems that she really is my forever (i owe this to my bestfriend..). She's asleep now, i love you, and when you wake up, I still love you..

Saturday, August 19, 2006

Ang Pagbabalik...

It's been a while... no it's been a year since i made a post here.

Busy?? no..medyo tinatamad lang..

But now.. i'm back with a new template...

Hehehe...tamad magdesign ng sariling skin..

Anyway..just watch this performance by The Fray - Over My Head..

Relak lang mga tol..

Peace out!