Mayroon akong koleksyon ng kwento ng iba't ibang klase ng kwento ng pagibig dito sa utak ko galing sa mga kaibigan ko. Magaan lang talaga siguro loob nila sakin para ikwento nila sakin un o di kaya masyado silang malungkot o masaya na kailangan na hindi pwedeng palipasin ang isang minuto ng walang makekwentuhan.
Ganun talaga siguro pag pag-ibig na paguusapan, may kanya kanyang inspiration sa buhay, kanya kanyang lungkot, kanya kanyang iyak at tulo ng uhog, kanya kanyang sakit, kanya kanyang ngiti ng kawalan kahit may tinga, ung mga ganung tipo. Ganun kalakas ung hatak ng love ika nga ng nagsulat. Kaya ka nitong palutangin, parang David Blaine, kaya ka nitong gawing baliw, para paring si David Blaine at kaya ka nitong paiyakin ng sobra na hihilingin mo sana di ka na nagmahal.
Ganun talaga ang pag-ibig, parte ng buhay yan, ika nga ni Morrie Schwartz, "Love or else you'll perish". Taena, sino ba ang mabubuhay ng walang nagmamahal at minamahal. Ang hirap nun, what if naghihingalo ka na, kung walang nagmamahal sayo, walang magaalaga sayo at mamatay ka nalang jan, 'nak ka ng lelang mo.
Pag ako nagmahal <*applause*> , bilang alagad ng musika, masusulatan ko ng kanta kung sino man ung babaeng yun. Hindi galing sa utak ung salita at tono, kusang lumalabas nalang, parang instincts lang <*applause ulit*>. Mahirap magmahal, kung di ka sanay magtake ng risks, taena, lalo na pag nagka-traumatic experience ka, whew!
Pero kung ano pa man yang naranasan o nararanasa pagdating sa pag-ibig, maging masaya tayo, dahil naranasan na natin ung ganung pakiramdam, natuto tayo sa ganung karanasan, at makakaranas pa tayo ng iba pang bagay bagay. Masarap magmahal at mahalin kaibigan, talagang nakaka-high, like you'll be touching the sky!! woooO! <*hithit ng rugby*>
Peace out!
Sunday, December 03, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment